Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pa rin kayang patumbahin
FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pa rin kayang patumbahin

FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pa rin kayang patumbahin

PATULOY na nangunguna ang FPJ’s Ang Probinsyano at hindi nagawang pataubin ng bagong seryeng tumapat rito mula sa GMA 7.

Noong Lunes (Nov. 19), nakakuha ang action-serye ni Coco Martin ng national TV rating na 40.1%  samantalang mayroon lamang 17.6% ang Cain at Abel nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes.

READ MORE:  Negosyo nina Joshua at Bimby, maganda ang takbo

Noong Martes (Nov. 20), lalo pang tumaas ang rating ng Ang Probinsyano na nakakuha ng 42.8% samantalang 16.7% lamang ang Cain at Abel.

Patunay lamang na hindi pa rin kayang pataubin ng GMA 7 si Cardo Dalisay. Nananatili pa ring undisputed king of primetime si Coco, at ito ay mula sa mga tala ng Kantar Media.

READ MORE:  ‘Entertainment press’, nakipag-jamming sa ABS-CBN Philharmonic Orchestra

Tatlong taon na ang Ang Probinsyano, at tatlong taon na ring nangunguna at consistent top-rating TV show sa bansa simula nang umere ito noong 2015.

READ MORE:  Bistek at Tetay, tuloy pa rin sa 2015 MMFF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Vice Ganda, panatag sa friendship na ibinibigay ni Calvin
Vice Ganda, panatag sa friendship na ibinibigay ni Calvin
Joy Cancio sa pagkawala  ng mga naipundar — Siguro tinapik ako ni God para magising ako at mabuo ulit ang pamilya ko
Joy Cancio sa pagkawala ng mga naipundar — Siguro tinapik ako ni God para magising ako at mabuo ulit ang pamilya ko
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved