Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Dalawang MPD officials todo-kampanya na para kay Isko Moreno
Dalawang MPD officials todo-kampanya na para kay Isko Moreno

Dalawang MPD officials todo-kampanya na para kay Isko Moreno

MAUGONG ang kuwentohan at saysayan sa Manila Police District  (MPD) HQ tungkol sa dalawang opisyal nila na nakikitang madalas na nakabuntot at kasa-kasama ni Isko Moreno sa kanyang pag-iikot-ikot sa Maynila.

Sabi nga ng isang lespu, “Magkakaroon ng saysay ‘yan Bay, kapag nakalusot si Isko bilang yorme.”

Pero ang sabi ng isa pang lespu, “Bay, akala ko, ‘yung dalawang opisyal ay nagkaroon lang ng saysay noong panahon ni Mayor Erap?”

Kasi nga raw, sa panahon ni Erap nagkaroon pa ng magagan­dang posisyon sa MPD ang nasabing dalawang police official.

READ MORE:  Blind curve patungong Mt. Bontoc walang road signs, walang road hamper

Sa totoo lang, dumami rin daw ang negosyo at panay ang pa-renovate ng haybol no’ng isa.

Parang jackpot nga raw na tumama sa lotto.

Ewan lang natin kung naisumbong na ng mga bata ni Mayor Erap sa kanya ang lantarang pagkampanya ng dalawang MPD official kay Isko?!

READ MORE:  Masisibak si Erap

O natutulog sa pansitan ang mga bataan ni Yorme?!

Ayaw pa naman ni Erap nang ganyan.

‘Yung sa kabila ng kanyang pagpapala e tatalikuran siya sa panahon na kailangan niya ng solidong suporta!

Pagkatapos siyang pakinabangan ay bigla siyang tatraydorin?!

Sonabagan!!!

Pero madali lang daw makikilala ang dalawang opisyal…

READ MORE:  JV tagilid kay Jinggoy

Ipagtanong lang ninyo sila at kilalang-kilala sila sa MPD headquarter sabay dugtong na “‘Yung laging nakabuntot kay Isko?!”

‘Yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Relasyong PH-China tunay kayang makikinabang ang sambayanang Pinoy? (Para sa kapayapaan at pag-unlad)
Relasyong PH-China tunay kayang
makikinabang ang sambayanang Pinoy?
(Para sa kapayapaan at pag-unlad)
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved