Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU
Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?!

Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa o maghintay ng mga nagkakamali para makipag-ayos sa kanila?!

‘Yan po ang P600 to P1,000 question na gusto nating ibato sa Pasay ASBU dahil sa reklamo ng mga motorista.

Supposedly, ang papel ng ASBU ay magbantay ng mga sasakyang mauusok para bigyan sila ng babala na kapag naulit ay papanagutin na sila.

READ MORE:  Pakner-in-pitsa noon magkalaban ngayon?!

Pero mukhang mayroong mga sumasalisi sa ilang ASBU members.

Mayroon kasing reklamo na nakarating sa inyong lingkod, na itong mga ASBU ay nagbabantay lang at kapag nakakita ng mausok, “Pong, huli ka!”

Mahina po ang P600 kapag nakahuli ng ‘smoke blerchers’ ang ASBU.

Kung truck ang kanilang matitiyempohan, naku hindi P600 ‘yan, mahigit P1,000 ang singilan.

READ MORE:  Sanggol namatay sa pangangalaga ng Boystown Complex ng MDSW

Mantakin ninyo, mga sasakyang diesel ang madalas na inaabangan ng mga ASBU.

Bakit diesel? S’yempre mausok talaga ‘yun.

Kapag truck ang nadadale nila, may dalawang option lang. Tanggalan sila ng plaka o umareglo sa mga ‘kinatawan’ ng Manila Police District?

Alin ang pipiliin ng truck drivers sa dalawa?, ‘E di maglagay na lang.

Sana lang ay matapos na ang kalbaryo ng mga motorista dahil sa ASBU. Aba ‘e mahirap namang seryoso sila sa paghahanapbuhay pero kapag namataan ng ASBU, dakip agad?!

READ MORE:  Mariñas maasahan sa Muntinlupa

Panahon na po para busisiin ang ASBU!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Comelec: Walang masama sa pagtakbo ni Alan at Lani sa Taguig

Comelec: Walang masama sa pagtakbo ni Alan at Lani sa Taguig

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved