Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian, humihirit na agad ng isa pa (‘di pa man nailalabas ang 2nd baby)
Marian, humihirit na agad ng isa pa (‘di pa man nailalabas ang 2nd baby)

Marian, humihirit na agad ng isa pa (‘di pa man nailalabas ang 2nd baby)

SA pakikipag-usap namin kay Marian Rivera, sinabi niyang mas hirap  siya ngayon sa ikalawang pagbubuntis, kompara noon sa panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

“Iba ‘yung kay Zia, iba ‘yung ngayon. Siguro ‘pag ikinompara ko, mas madali ‘yung kay Zia kaysa ngayon. Hindi ko nga alam, eh. ‘Yung kay Zia, hindi ako malakas kumain, dito, sobrang lakas kong kumain,”sabi ni Marian.

Patuloy niya, “Tapos ‘yung kay Zia, mahilig ako sa mga chocolate, sa  candies, ngayon baligtad, gusto ko mga maaasim at maalat. Ang mga kinakain ko, kamias, manga, at saka maaalat. Weird nga, eh. Tapos, minsan, ‘pag bumabiyahe ako, ‘pag traffic, tapos parang ang gulo ng kalsada, nahihilo at nasusuka ako.”

Sa kamias naglilihi ngayon si Marian.

READ MORE:  Loveteam nina Elmo at Janine, tiyak na papatok

“’Yun ang unang-unang hinanap ko kay Dong, gusto ko ng kamias.”

Kahit sa gabi ba, naghahanap siya ng kamias?

READ MORE:  Pasigueño supporters natuwa sa muling pagtakbo ni Atty. Roman Romulo bilang congressman

“Hindi! Mabait akong magbuntis, eh. ‘Pag araw lang, para hindi mahirap hanapin. At saka roon sa unahan ng bahay namin, may puno ng kamias. Pinipitas-pitas na lang naming.”

So, ayaw niya na ngayon ng chocolates?

Babae ba ulit o lalaki na ang susunod na magiging anak nila ni Dingdong?

“Ise-share naman namin sa inyo kung anong gender sa end of November,” ang natatawang sagot ni Marian.

READ MORE:  Sarah Popster na ipinadadala ng Globe, nakakaloka na

“Maraming hula, babae raw. May mga nagsasabi, boy naman.”

Pero para kay Marian, okey lang sa kanya kung babae ulit o lalaki na ang susunod na magiging anak nila ni Dingdong.

“Kahit ano, okey ako. Pero sana, bigyan pa kami ni Lord, huwag ito ang last, isa pa. Hindi pa nga lumalabas (‘yung baby), humihirit na agad,” natatawang sabi pa ni Marian.

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved