Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beauty Gonzales, excited na sa Hipnotismo movie ng BG Productions
Beauty Gonzales, excited na sa Hipnotismo movie ng BG Productions

Beauty Gonzales, excited na sa Hipnotismo movie ng BG Productions

IPINAHAYAG ni Beauty Gon­zales na excited na siya sa gagawing horror movie sa BG Productions International na pag-aari ng businesswoman na si Ms. Baby Go.

“Excited, kasi siyempre ay makikita ko ang mga friends ko, iyong mom ko. Actually, na-awkward din ako, kasi makikita ako ng mga barkada ko roon na umaarte,” nakatawang saad ni Beauty.

Okay lang daw sa kanya kung second choice siya sa pelikulang ito. “Regarding doon sa isang artista (na tinanggihan ang role na ito), hindi ko po alam ‘yun, desisyon naman niya iyon, e. Thankful ako na sa akin na­pun­ta ang role na ito,” sambit ni Beauty.

READ MORE:  Marlon Stockinger, hindi na pina-follow si Pia

Tampok din sa Hipnotismo sina Enzo Pineda kasama sina Polo Ravales, Miss Universe 3rd Runner up Ariella Arida at Mr. World Philippines JB Saliva. May espesyal na papel din ang ilan sa BG talents na sina Kate Brios, Wayne Calderon, at Winter Calderon. Si Direk Joey Romero ang mamamahala sa pelikulang ito.

Ang Hipnotismo ay kuwento ng newly wed couple (Beauty and Enzo) na nag-honeymoon sa Dumaguete. Sa pagtira nila sa lumang bahay ay daraan sila sa mga nakakikilabot na karana­san na halos muntik na nilang ikapahamak.

Si Direk Joey ay anak ng batikang National Artist for Film na si Eddie Romero. Matatan­daan na siya ang nag-direk ng horror film na Vampira na pinag­bidahan ng Diamond Star Maricel Soriano. Nagwagi ang Vampira ng best film sa prestihiyosong Young Critics Circle.

READ MORE:  Coney, ‘nakadadala’ ang kasuwapangan

Co-writer ni Direk Joey sa script ang award-winning screen writer na si Eric Ramos na sumulat ng pinag-uusapang MMFF entry na Rainbow’s Sun­set.

Sa panig naman ng lady boss ng BG Productions, ipinah­ayag ni Ms. Baby kung gaano niya kamahal ang paggawa ng pelikula. “Passion ko na talaga ang pagprodyus ng pelikula. Hindi mawawala sa sistema ko ang paggawa ng pelikula sa aking kompanya. Matagal ko nang pangarap ang maka­pag­pro­dyus ng horror film at naka­tutuwa na sa Dumaguete, kung saan ako ipinanganak at lumaki ang location ng shooting nito. Ii-explore sa movie ang kagan­dahan ng Dumaguete,” sambit ng prolific lady producer na si Ms. Go.

READ MORE:  BeauteDerm ambassador na si Carlo Aquino, tampok sa Miss City of San Fernando, La Union

Actually, patuloy sa pagha­taw si Ms. Baby sa paggawa ng pelikula. Katatapos lang ng produksiyon ng peli­kulang Latay na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe, mula sa direksiyon ni Ralston Jover. Then, uumpisahan na ngayong December ang Hipnotismo na kukunan nga ang ilang eksena sa Dumaguete.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved