Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea, tinantanan na ng bashers
Andrea, tinantanan na ng bashers

Andrea, tinantanan na ng bashers

RAMDAM ni Andrea Torres na nababa­wasan na ang mga basher niya; nagsimulang dumami ang mga basher niya nang isama siya sa Victor Magtanggol.

Sa palagay niya ay bakit tinigilan na siya ng mga basher?

“Siguro nakatulong din na hindi ko na pinapalaki ‘yung… kung ano man ‘yung issues na ibinibigay sa akin, hindi ko naman ugaling palakihin.

“Kahit ‘di ba may option ka naman talagang… lalo na social media puwede mo namang i-post or puwede kang mag-react talaga anytime, pero mas gusto ko kasi tahimik lang.”

O naniniwala ba siya na sa wakas ay natanggap na ng ibang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na magkatrabaho lang talaga sila ni Alden?

READ MORE:  Prutas na Durian, tampok sa GRR-TNT
READ MORE:  Sylvia, pinagdudahan ang kakayahan

May mga Aldub fan kasi, although hindi naman lahat, na nagselos kay Andrea nang napasama sa cast ng serye ni Alden.

“Siguro nakita nila ‘yun na ano, professional naman ako sa lahat ng soap na sinalihan ko.

“More on work talaga, at saka kasi ano ako eh, parang hindi naman ako nagwo-work lang dahil lang… of course, given na gusto ko ‘yung trabaho ko, pero mayroon din akong goals for my family, so ‘yung focus ko nandoon talaga,” pahayag pa ni Andrea.

READ MORE:  Mariel at Amy, malaking tulong sa It’s Showtime

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved