Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, nanindigan: ‘Di pa buwag ang AlDub!
Alden, nanindigan: ‘Di pa buwag ang AlDub!

Alden, nanindigan: ‘Di pa buwag ang AlDub!

NGAYONG Biyernes, November 16, magtatapos ang pinagbibidahang primetime series ni Alden Richards, ang Victor Magtanggol.

Dahil sa AlDub, naging maingat na si Alden sa mga nakakapareha niyang aktres dahil kadalasan, nakatatanggap din ng pangba-bash ang mga ito.

Ngayon ba ay mas bukas na siyang makapareha ang iba pang Kapuso actress?

“Opo, kasi po it’s work, trabaho po ‘yun,” saad ni Alden.

READ MORE:  Nash at Alexa crush ang isa’t isa bagito mas matindi sa kanilang bagong yugto ngayong 2015

“Hindi ko po aalisin, especially ang industriya natin ngayon, since nag-start naman po ako, I’ve been paired with a lot of leading ladies.

“So, until now po, ganoon pa rin naman.”

Flattering pa rin ba sa kanya kapag naririnig o nalalaman niyang gusto siyang makapareha o makasama ng ibang artista, bago man o datihan na?

“Opo naman,” bulalas ni Alden. ”As much as they’re excited na makatrabaho ako, ganoon din po ako sa kanila.”

Sa tanong kung totoo na wala na ang AlDub nila ni Maine Mendoza”Hindi po totoo! Buhay na buhay pa rin ang AlDub. AlDub is still here.

“Iyon pong loveteam namin ni Maine wala pong tumapos niyan. Nandoon pa po ang possibility to have projects together, to have shows together.

“It’s just that ngayon po, nandoon kami sa exploring individually, iyon lang po gusto kong sabihin hindi pa po tapos ang AlDub. Kasi ang dami ko pong nababasa may nag-give up dahil wala na raw, hindi po totoo, nandito pa po kami, huwag kayong mag-alala.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

READ MORE:  FPJ’s Ang Probinsyano, hanggang 2018 pa; Yassi, magaang katrabaho
READ MORE:  ER at KC, wagi sa 62nd Famas Awards

 

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved