Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil
Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong,

Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo.

Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo sa ilang kaibigan lalo na ‘yung mga nanga­nga­ilangan.

Sa aking pamilya, madalas na ginagamit namin ito sa mga baby. Pambanyos bago maligo, bago matulog sa gabi at tuwing may nararam­daman sa alinmang bahagi ng katawan.

Kapag sumasakit ang tiyan at hindi maka­paglabas ng masamang hangin, lalagyan lang ng langis ang bulak tapos lalagyan ng isang pirasong asin saka ilalagay sa pusod, maya-maya lang mauutot na at mawawala na ang sakit ng tiyan.

Pero isang beses, natapilok ako dahil sa alanganing steps sa hagdan ng aming city hall.

Hindi ko pinansin noong una pero noong gabi na, nakita ko ang pamamaga at matinding kirot.

Agad kong hinaplos ng Krystall Herbal oil at pagkatapos ay binalot ng bondage. Ginagawa ko ito gabi-gabi o pagkatapos kong magbanyo. Ingat na ingat akong huwag mabasa ang natapilok na paa.

Sa ikatlong araw, napuna  ko ang pag-impis ng maga pero may kirot pa. Noong ikalimang araw, hinilot ng isang kaibigan kong eksperto sa tapilok. Kinabukasan tuluyan nang  nawala ang pamamaga.

Kahit kailan ay hindi mawawala ang bilib ko sa Krystall Herbal oil at sa iba pang produkto ng FGO Foundation.

Thank you so much, Madam Fely.

Sumasainyo,
Mrs. Orozco

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

COMMENTS
READ MORE:  Nakawan with Pedro and Juan

About Fely Guy Ong

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved