Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot pinilahan ng 9 kapwa Chinese nat’l (Sa Muntinlupa hotel)
Bebot pinilahan ng 9 kapwa Chinese nat’l (Sa Muntinlupa hotel)

Bebot pinilahan ng 9 kapwa Chinese nat’l (Sa Muntinlupa hotel)

NADAKIP ang limang Chinese national habang pinaghahanap ang apat iba pa makaraang halin­hinang gahasain ang isang babaeng kapwa Chinese sa isang hotel sa Mun­tinlupa City, noong Martes.

Sa tulong ng interpre­ter, ikinuwento ng bik­timang babae, 26-anyos, ang umano’y panghaha­lay sa kaniya ng walong lalaki at isang babae.

READ MORE:  Libreng kolehiyo armas vs kahirapan at terorismo (Isang pirma na lang) — Sen. Bam

Katrabaho umano ng biktima ang mga suspek sa isang call center at magkakatabi lang ang kanilang mga kuwarto sa hotel na kanilang tinu­tuluyan.

Ayon sa biktima, ha­pon ng Martes nang bigla siyang hinatak ng siyam suspek sa isang kuwarto at siya ay halinhinang ginahasa.

READ MORE:  Coco Levy imbestigahan sa Kongreso

Makaraan ang pang­gagahasa, binantaan ng mga suspek ang babae na huwag magsumbong bago nila iniwan sa ku­war­­to ang biktima.

Nang iwanan ang biktima ay humingi siya ng saklolo sa mga awto­ridad.

Ayon kay Southern Police District director, S/Supt. Eliseo Cruz, makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration at embahada ng China para kaso.

READ MORE:  Digong mas malakas pa sa kalabaw

Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang biktima para sa debriefing.

Habang sumalang nitong Miyerkoles sa inquest proceedings ang limang nahuli.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved