Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco, 3 beses nang tinapatan (pero ‘di matalo-talo) ni Dingdong
Coco, 3 beses nang tinapatan (pero  ‘di matalo-talo) ni Dingdong

Coco, 3 beses nang tinapatan (pero ‘di matalo-talo) ni Dingdong

SA showbiz events na dinaluhan namin nitong nakaraang araw ay pinag-uusapan ng mga katoto ang pagtatapos ng Victor Magtanggol at ang ipapalit na Cain at Abel dahil pang 16th show na ito ng GMA 7 na itatapat nila kay Cardo Dalisay ng FPJ’s Ang Probinsyano.

In fairness, pinupuri naman ng mga taga-GMA ang programa ni Coco Martin, ‘yun nga lang halos iisa ang tanong, ‘hanggang kailan ba Ang Probinsyano?’

Tulad ng isinulat din namin dito sa Hataw kahapon ay walang nakaaalam kung hanggang kailan ito eere dahil mismong direktor ng programa ay wala ring alam.

READ MORE:  Wansapanataym special nina Andrea at Raikko, may heavenly finale ending sa Linggo
READ MORE:  Yael, kinausap na si Vice

Marami pang napag-usapan ang mga katoto at dito kami natawa, ‘pangatlong show na ni Dingdong (Dantes) ‘tong Cain at Abel na itatapat kay Coco. Nauna ‘yung Alyas Robinhood, ‘di ba?’

Sabi namin, eh, wala namang masama kung i-try ng i-try until he succeeds ‘di ba, that’s the reality of life.

READ MORE:  Karylle, gandang-ganda kay Marian

Pero oo nga, hanggang kailan nga ba ang FPJ’s Ang Probinsyano? Tama nga siguro ang sabi ng nakararami, may anting-anting si Coco, ha, ha, ha.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved