Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking
Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking

Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking

BIGO ang namumuong ‘diskarte’ sa bidding pro­cess sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng armas at mga kagamitan ng pulisya.

Ibinunyag ito ng ilang bidder na hanggang nga­yon ay desmayado sa kanilang natuklasan.

Anila, sa 11th hour matapos makapagsumite ng mga dokumento ang bidders, biglang  nadis­kubreng may nakasingit na ‘documentary re­quirements’ o ‘additional requirements’ sa bidding process na kataka-takang isang bidder lang ang nakaaalam.

Nangamba ang mga lehitimong bidder sa nangyari dahil bukod sa lantarang iregularidad, manganganib umano ang buhay ng mga pulis kung ang mabibiling mga ka­ga­mitan ay sub­standard dahil sa pagpabor ng ilang may kapangyarihan sa ‘kasabwat’ na bidder.

READ MORE:  Bebot itinumba sa Kyusi (Sumuko sa Tokhang)

Sa impormasyong nakalap, ang bidding process na naganap noong Oktubre ay napagdu­dahan matapos magsu­mite ng mga kaukulang dokumento ang mga bidders para sa procure­ment nang halos P2.4 bilyong halaga ng mga armas para sa PNP.

Nagulat ang lahat nang biglang may ‘additional requirement’ pala na kailangan. Ang dokumentong Program of Instruction (POI) para sa armory ay isang military document at kadalasan ay tanging militar ang higit na nakaaalam.

Magsusumite pa sana ang ibang bid­ders ngunit paso na sa dead­line at biglang idine­klarang iisang kompanya — ang JV Espinelli – Israel weapons industries ang “compliant.”

READ MORE:  No leave policy sa SONA – NCRPO

Ayon sa mga mapag­kakatiwalaang sources sa PNP,  hindi maaaring basta palitan ang tech­nical requirement ng isang bidding process at ilegal umano ang basta pagpapalit nito.

Ang mga revision o amendment ay kaila­ngang dumaan sa Uni­form and Equipment Standardization Board (UESB) sa PNP Chief at final approval ng NAPOLCOM.

Ngunit hindi ito nasunod at ang Techinical Working Group lamang ang nagdikta.

Sa kabila nito ay umapela at nag-ingay ang mga kasali sa proseso para makalampag ang kinauukulan at tuluyang maimbestigahan ang proseso.

Sa pagbubukas ng nasabing imbestiga­syon na iniutos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde,  kadu­da-dudang biglaang ibinasura ng Bids and Awards Commit­tee (BAC) ang kalipika­syon ng JV-Espinelli-IWI na posibleng paraan umano ng pag-iwas sa nasabing imbestig­asyon.

READ MORE:  Pulis binugbog 3 bebot timbog

Sa ngayon ay tulu­yang diskwalipikado ang JV Espinelli-IWI at mu­ling inilathala sa PhilGEPS ang pagsasa­gawa ng rebidding ngunit hindi nawawala ang pagdududa dahil pareho lang umano ang mga taong kabilang sa BAC at Technical Working Group (TWG) na hahawak  ng naturang proyekto ng PNP ukol sa mga armas.

Nais ng bidders na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon at  nananawagan sila  kay Chief PNP Alba­yalde na huwag munang ituloy ang bidding hangga’t hindi nalilinis ang kontrobersiya at hindi napapalitan ng mga taong namumuno sa nasabing procurement project. (NIÑO ACLAN)

 

 

COMMENTS

About Niño Aclan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved