Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Keanna Reeves arestado sa cyber-libel
Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

ARESTADO sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang aktres at kome­dyanteng si Keanna Reeves dahil sa reklamong cyber-libel, nitong Lunes.

Ayon kay C/Insp. Cyrus Serrano, hepe ng CIDG sa Laguna, inaresto si Reeves, Janet Derecho Duterte sa tunay na buhay, sa Scout Ybar­dolaza, Quezon City, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maria Florencia Formes-Baculo ng Laguna Regional Trial Court Branch 34.

READ MORE:  Bayan sa Cotabato sinalakay ng daga at black bug

Inireklamo si Reeves ng isang bar owner na pinagsalitaan daw niya ng mga negatibong bagay sa social media, ayon kay Serrano.

READ MORE:  8 patay, 5 sugatan sa sumabog na vintage bomb (Sa Zamboanga del Norte)

Makaraan madakip, dinala ang aktres sa Criminal Investigation and Detection Group Regional Office sa Laguna para sa kaukulang pag­proseso sa kaniyang pag­kakaaresto.

Nagrekomenda si Judge Baculo ng P200,000 piyansa para sa pan­samantalang kalayaan ni Keanna.

Si Reeves ang iti­nanghal na big winner ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition” noong 2006.

READ MORE:  Bebot ginahasa ng 3 holdaper, 2 arestado (Sa harap ng nobyo)

Noong nakaraang weekend, lumabas si Reeves sa “Pinoy Big Brother: Otso” bilang isa sa mga dating nanalo sa reality show na pumili sa ilan sa mga bagong housemate.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved