Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kaanak ng mangingisdang Navoteño may scholarship
Kaanak ng mangingisdang Navoteño may scholarship

Kaanak ng mangingisdang Navoteño may scholarship

PINIRMAHAN ni Na­votas City Mayor John Rey Tiangco ang isang memo­randum of agree­ment (MOA) kasama ang mga benepisaryo ng Navo­taAs Ulirang Pamil­yang Mangingisda Scholar­ship Program.

Limang kamag-anak, hanggang second degree of consanguinity or affinity, ng 2018 Top Ten Outstanding Fisherfolk, ay maaaring makakuha ng educational assistance mula sa pamahalaang lungsod.

Kasama sa unang batch ng Ulirang Pamil­yang Mangingisda scholars sina Rhea Gar­nodo at Lenz Edrick Sabino ng Brgy. Tanza 1; April Rose Santiago at Apple Udarbe ng Brgy. Tangos South; at Nathaniel Mongolian ng Brgy. Sipac-Almacen.

READ MORE:  Panaginip mo, Interpret ko: Business grabber

“Hangad natin na mabigyan ang mga anak at iba pang kaanak ng ating mga rehistradong mangingisda nang pan­tay na pagkakataon na makamit ang kanilang mga pangarap sa pama­magitan ng de-kalidad na edukasyon nang hindi nahahadlangan ng problemang pinansyal,” ani Tiangco.

READ MORE:  Para sa Munti kids ngayong Children’s Nonth

Sa ilalim ng MOA, bibigyan ng Navotas ang mga iskolar ng P16,500 transportation at food allowance at P1,500 book stipend sa bawat academic year.

Samantala, inaasahan sa mga iskolar na pana­tilihin nila ang pagkaka­roon ng mataas na marka at mabuting pag-uugali; ang pagiging malusog; at ang paglilingkod sa pamahalaang lungsod, kung kinakailangan.

Itinatag ng pamaha­laang lungsod ang Navo­taAs Scholarship Pro­gram noong 2011. Noong una, saklaw lang nito ang mga estudyanteng na­ngu­nguna sa klase at mga gurong nais mag-aral ng graduate studies.

READ MORE:  Panaginip mo, Interpret ko: Tinaga sa balikat ‘di nasugatan

Noong 2016 at 2017, idinagdag ang athletic at art scholarships.

Simula nang mag­karoon ng scholarship program, umabot na sa 291 academic scholars, 293 athletic scholars, at 19 art scholars ang napag-aral ng pamahalaang lungsod. (JUN DAVID)

COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved