Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Desisyon ng SC sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo iaapela
Desisyon ng SC sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo iaapela

Desisyon ng SC sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo iaapela

WALANG naganap na public hearing at hindi rin kinonsulta ng korte ang mga grupong eks­perto sa wikang Fili­pino.

‘Yan ang ilan sa rason kung bakit iaapel ng grupong Tanggol Wika ang desisyon ng Korte Suprema na nag­ta­tanggal sa Filipino at Panitikan bilang “core subjects” sa kolehiyo.

Sinabi ni David Mi­chael San Juan, convener ng grupo, importanteng mapanatili ang dala­wang subject sa kole­hiyo, lalo’t maraming dapat talakayin ukol sa wika at panitikan sa mas mataas na antas.

READ MORE:  6 security officers kakasuhan sa ‘tanim-bala’

“Sabi nila, dahil mayroon na sa senior high school, elementary, at high school, puwede na raw iyon. ‘Yun din ang pinakinggan ng Supreme Court,” ani San Juan.

“Maraming bagay na mataas na antas ng dis­kurso na mas sa college matatalakay. Kagaya ng mga isyu sa lipunan, re­search sa sariling wika, sa college ‘yun mas ma­ga­gawa,” dagdag niya.

READ MORE:  Misis ni Derek humingi ng P48-M support

Noong Abril 2015 pansamantalang ipina­tigil ng Korte Suprema ang CHEd Memorandum Order No. 20, na nagta­tanggal sa Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Tinanggal nila ang temporary restraining order nitong nakaraang linggo matapos ideklara ng korte na konsti­tu­s-yonal ang “K to 12 program.”

READ MORE:  P38.6-B malaking tulong vs baha sa 2015 — Palasyo

Babala ni San Juan, aabot sa 10,000 guro ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa naging desisyon ng korte.

“Wala pa sa amin ‘yung kopya [ng desis­yon] mula sa Supreme Court. So hihintayin namin ‘yung kopya bago kami mag-file ng motion for reconsideration,” ani San Juan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved