Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JM, handang makipagtrabaho kay Jessy
JM, handang makipagtrabaho kay Jessy

JM, handang makipagtrabaho kay Jessy

PARANG may planong pagsasamahin ang dating magkasin­tahang JM de Guz­man at Jessy Mendiola. Dalawang taon din silang nagkarelasyon na naghiwalay noong 2013. Nagkabalikan sila noong April 2015, subalit pagdating ng November, kinompirma ni Jessy na  break uli sila.

Bukas si JM na makatrabaho muli ang dating girlfriend sa isang proyekto. Aniya, depende kung maganda ang project na inaalok sa kanilang dalawa tiyak na gagawin nila.

Inamin ni JM na kaya nitong maging professional kay Jessy at isasantabi ang kanilang nakaraan. Ang gusto nitong mangyari ay mag-move-on na lang, maging professional at maging magkaibigan na lang na sila.

Single ngayon ang aktor, samantalang karelasyon naman ni Jessy ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano na ayon sa kanya, nagpapansinan sila ng anak ni Ate Vi tuwing nagkikita sa ASAP. May respeto sila sa isa’t isa.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Imelda, wala sa bokabularyo ang pagreretiro

Imelda, wala sa bokabularyo ang pagreretiro

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top