Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Anarkiya umiiral sa Customs — Digong
Anarkiya umiiral sa Customs — Digong

Anarkiya umiiral sa Customs — Digong

UMIIRAL ang anarkiya sa Bureau of Customs na dapat masawata ng militar, ayon kay Pangu­long Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Palawan kamakalawa, kaya niya itinalaga si dating AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero bilang Customs chief, at nagpakalat ng mga sundalo sa Aduana, ay upang panatilihin ang kapayapaan.

READ MORE:  Philippine Sports todong suportado ni Alan Cayetano

“They are there to keep peace because Cus­toms is an anarchy. Maski sino ilagay mo, talagang may cor­ruption,” ani Duterte.

READ MORE:  Usad-pagong rehab ng Kalibo Int’L Airport (ATTENTION: DOTr Sec. Arthur Tugade)

Nauna rito’y kinom­pirma ng Palasyo na layunin ng Pangulo sa pagtatalaga ng mga sundalo sa BoC ay upang takutin ang mga tiwaling opisyal at kawani na nakikipagsabwatan sa smugglers.

Samantala, hinimok ng Pangulo ang mga turista, negosyante at lokal na opisyal sa Pala­wan na sundin ang batas upang hindi matulad ang isla sa Boracay na isa aniyang “classic case” ng overloading kaya nagka­roon ng sewerage pro­blems.

READ MORE:  Sharon, nasa cloud 9 dahil sa mensahe ni Digong

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved