Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tita Mel, tinuldukan ang usaping magka-away sila ni Korina
Tita Mel, tinuldukan ang usaping magka-away sila ni Korina

Tita Mel, tinuldukan ang usaping magka-away sila ni Korina

SI Mel Tiangco na mismo ang tumapos sa matagal ng isyu na mortal silang magkaaway ni Korina Sanchez.

Sa panayam namin sa kanya para sa 6th anniversary ng Magpakailanman na si Mel ang host, iginiit nitong,”Marami naman… si Korina friend ko!

“People don’t… people do not believe me but…” sagot niya sa tanong na kung may kaibigan ba siya sa ABS-CBN.

Noon pa kasi kumalat ang isyu na magkagalit sila ni Korina.

“Ewan ko kung saan nanggaling ‘yun.

“Pero hindi (magkagalit),” bulalas pa ng TV host.

READ MORE:  Cong. Lani Mercado, tiyak na ang pagtakbong mayor sa Bacoor

Huli silang nagkita ni Korina ay sa Rome. ”O di ba? ‘Tita Mellll’, sabi niya.”

Ito ay sa canonization o sainthood nina Pope John XXIII at Pope John Paul II sa Vatican City noong April 27, 2014.

Pareho silang nagtungo roon para i-cover ang naturang selebrasyon.

“Nandito kami sa isang side, sila nasa kabila, noong una hindi ko siya napapansin, malayo siya, ang layo ko, sabi niya, ‘Mama Mel!!!’

“Pagkita ko, ‘Ay, si Korina!’

“Tapos tumatakbo siya.

“Tapos ang sweet-sweet pa nga niya e, ‘Ay, let’s take a picture muna!’

“Sabi ko, ‘Sige, sige picture tayo!’

“So kinunan kami ng PA [Personal Assiatant] niya, so posing-posing kami.

“Tapos nakita ko yung iPad niya, sabi ko, ‘Hoy ha, bakit basag ‘yang iPad mo?’

“Sabi ko, ‘Alam mo naman hindi maganda sa Chinese ‘yan. Ano ka ba, nangunguripot? Bumili ka nga ng bago!’

“Tawa siya ng tawa.”

May litrato pa ngang kuha ang dalawa noong araw na iyon.

READ MORE:  Angeline, nakipagsabayan kina Manoy Eddie at Manang Susan
READ MORE:  Wowie De Guzman imposible na kay Judy Ann Santos (Tuyot na ang itsura at laos na! )

Barkada pa nga ng isang pamangkin ni Mel si Korina.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman ay tampok ang Yuki: A Japinay Story na sina Joyce Ching at Jak Roberto ang bida kasama sinaGardo Versoza, Diana Zubiri, Paul Salas, Denise Barbacena, Joanna Marie Tan, Leanne Bautisita, Kyle Vergara, Angle Satsumi, atAngel Pareno. Ito ay sa direksiyon ni Albert Langitan.  

 Rated R
ni Rommel Gonzales  

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved