Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rayantha Leigh, tatanggap ng award sa Japan
Rayantha Leigh, tatanggap ng award sa Japan

Rayantha Leigh, tatanggap ng award sa Japan

LILIPAD patungong Japan sa November 18 si Rayantha Leigh para tumanggap muli ng panibagong award, ang Young Achiever Awardee/ Outstanding Asia Teen Performer 2018 sa Japan 5th World Class Excellence award.

Maaalalang tinutugtog sa Japan ang kanyang hit song na Laging Ikaw na komposisiyon ni Keddy Sanchez at ipinamamahagi ng Ivory Music and Video  Inc.

READ MORE:  Dementia, gustong mapanood ng mga batang nasa bahay ampunan

Ito ang naging basehan kaya nabigyan ng award sa Japan ang mahusay na singer/host/actress.

Bukod sa pagiging singer, sumabak na rin si Rayantha sa pag-arte sa pelikulang Unang Yugto na pinagbibidahan nina Lotlot de Leon at Martin Escudero. Habang regular host naman ito sa Net 25Youth Oriented show na hatid ng SMAC TV Productions na Bee Happy, Go Lucky na napapanood tuwing lingo, 9:00-10:00 p.m..

READ MORE:  Rayantha Leigh, makakabangga sina Maymay at Kisses

Dagdag pa rito ang pagiging endorser niya ng Erase Products, H & H Makeover Salon, at Switch Limited. Kabahagi rin ito ng Ppop-Internet Heartthrobs Mall Tour at magkakaroon siya ng mini-concert sa Shopalooza Bazaar, Riverbanks, Marikina sa Nov. 25, 6:00 p.m. entitled  All About …. Rayantha.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved