Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Valentine concert nina Regine at Vice, kasado na!
Valentine concert nina Regine at Vice, kasado na!

Valentine concert nina Regine at Vice, kasado na!

PASABOG ang Valentine concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda next year!

Magaganap sa February 15 at 16 sa Araneta Coliseum, dalawang taon na  itong pinaplano, ayon mismo kay Regine.

“Matagal na talaga. But because we’re from different networks made it very hard to, you know, put it together.

“Like, ‘yung mga past collaboration ko, if you notice, hindi naipalalabas sa TV. Sayang! Sayang,” sinabi ni Regine.

“Kasi nga, lahat sila, taga-ABS! Ako lang ang taga-GMA that time. “Sabi ko, ‘Ang hirap naman…’

READ MORE:  May bayad na pampublikong Ospital sa Maynila, iniaangal ng mga residente (Kailangan daw kasing magbayad para makalikom ng pondo)

“‘Tapos, noong… I’ve been wanting to work with Vice, parang it was getting harder and harder to ano, para mangyari, alam mo ‘yun?

“And… ganoon talaga! Ganoon talaga ‘yun, eh! So, ako… talagang in-accept ko na lang na it was never gonna happen.

“The project would never gonna happen.

“But now, since I’m already a Kapamilya, there are many possibilities na.”

Biruan pa nga, sila ni Vice ang magka-Valentine sa 2019.

“Yeah. ‘Ika nga niya, iiwan ko muna ang dyowa kong si Ogie Alcasid, at iiwan din niya ‘yung dyowa niya…”

READ MORE:  Apology ni Robin, tanggap ni Maria Ozawa

Sino ba ang dyowa ni Vice?

“Hindi ko alam,” ang tawa ng tawang sagot ni Regine.

“Malihim ‘yun!”

Samantala, totoong masaya si Regine na mataas ang rating ng Sunday PinaSaya.

“Like I said doon sa Instagram ko, I really ‘am happy for ‘Sunday PinaSaya.’ I’m happy for them.

“You know, mayroong network war. I don’t know why that is but we are still happy for each other kasi magkakakilala kami lahat.

“Kahit ano pang sabihin ng ibang tao outside our business, our industry, we actually know each other.”

READ MORE:  Kuya Boy at Kris, pinaglaruan sa isang cartoon drawing

Hindi siya plastik nang sabihin niyang masaya siya para sa Sunday PinaSaya.

“Hindi porke’t sinabi ko na kino-congratulate ko sila dahil mataas ang rating nila, pina-plastik ko sila.

“It’s actually because I know all of them and I really ‘am happy for them. Kilala ko ‘yung director, lahat sila.

“Hindi ‘yun pamamlastik. I’m happy for them na mataas ang rating nila,” sinabi pa ng Asia’s Songbird.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved