Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Therese Malvar, si Gladys Reyes ang peg na kontrabida sa Inagaw Na Bituin
Therese Malvar, si Gladys Reyes ang peg na kontrabida sa Inagaw Na Bituin

Therese Malvar, si Gladys Reyes ang peg na kontrabida sa Inagaw Na Bituin

MAGKAHALONG kaba at excitement ang nararamdaman ng award winning actress na si Therese Malvar dahil gaganap siya bilang pangunahing kontra­bida sa bagong TV series ng GMA-7 titled Inagaw Na Bituin.

“Lead kontrabida po, Kyline (Alcantara) will be the bida, ako po ‘yung kontrabida. First time! Super-duper kinilig po ako and felt grateful when they told me that I’ll be playing the kontrabida for Inagaw na Bituin. Naganda­han po ako sa story,” pahayag ni Therese.

First time ba niyang maging kon­trabida? ”Yes, first time kong mag-TV kontrabida kaya medyo kinakabahan po ako… So I’ve searched ways kung paano ‘yung atake ko sa character ko po na si Ariella,” aniya.

READ MORE:  Gladys at Imee, malapit sa isa’t isa

Nasabi rin ng Kapuso actress na biggest break niya ito sa TV. “Yes, I would say this is my biggest break in TV because it’s a lead kontrabida role.

Ano ang masa­sabi niya kay Kyline and paano niya ide-des­cribe ang Inagaw na Bituin? ”I’m happy that I’m working with Kyline again. I’m proud for how her career blossomed and happy that we’ll both be part of each other’s journey to a blossoming career.

READ MORE:  Casey Banes Paculan, itinanghal na Queen of Quezon City 2018

“Inagaw na Bituin will involve showbiz. Boses at kasikatan ay isa sa labanan. There will be family problems of course, but it will all circle around the singing industry.”

May hinahangaan ba siyang kontrabida and sinong kontrabida ang parang peg niya rito? ”Si Gladys Reyes! Iba po kasi talaga ang pagiging kontrabida niya. For me, no one could ever act like the kontrabida Gladys could be. Mean girl po ang peg ko and some parts of White Chicks, hahaha! Pero I’m still making a definite attack for the role,” saad ni Therese.

READ MORE:  Paglaladlad at pagka-inlavey ni JC Santos kay James Reid ikina-Shock ng televiewers ng “Till I Met You”

Bukod kina Kyline at The­rese, tampok din sa bago nilang serye sina Angelu de Leon, Marvin Agustin, Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Angelika Dela Cruz, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Atty. Topacio, naniniwalang ‘di na puwedeng kumandidato ulit si Sen. Koko

Atty. Topacio, naniniwalang ‘di na puwedeng kumandidato ulit si Sen. Koko

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved