Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / News / P55 Bilyones koleksiyon kada buwan (Utos ni Dominguez sa BoC)

P55 Bilyones koleksiyon kada buwan (Utos ni Dominguez sa BoC)

BUKOD sa linisin sa korupsiyon ang Bureau of Customs (BoC), iniutos ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Customs chief Rey Leonardo Guerrero na kumolekta ng P55 bilyones kada buwan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokes­person Salvador Panelo, ang direktiba kay Guer­rero ni Dominguez ay iniutos ng Kalihim nang sila’y magpulong noong nakaraang Miyerkoles.

Samantala, no com­ment muna ang Pala­syo sa mungkahi ni Senate President Tito Sotto na isapribado ang BoC at nakahandang mag- draft ng bill tungkol dito.

Ayon kay Panelo, ito ay posibleng mabuksan sa nakatakdang cabinet meeting kagabi.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top