Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alessandra, dream come true makagawa ng pelikula sa Iceland
Alessandra, dream come true makagawa ng pelikula sa Iceland

Alessandra, dream come true makagawa ng pelikula sa Iceland

MAGSASAMA sa isang romance/drama film, Through Night and Day  ang dalawa sa mahusay na aktor ng bansa, Alessandra De Rossi at Paolo Contis na hatid ng Viva FilmsMaxx, at OctoArts na mapapanood sa November 14 mula sa mahusay na direksiyon ni Veronica Velasco.

Bukod sa magandang istorya, magaling na direksiyon, at mahuhusay na actor, mapapanood din sa Through Night and Day ang magagandang lugar sa Iceland na kinunan ang nasabing pelikula ng isang linggo.

Dream come true nga kay Alessandra ang makapag-shoot sa Iceland dahil itinuturing nitong second home ang nasabing European country lalo na’t nakaka-indentify siya sa sikat na singer na mula sa Iceland, si Bjork.

Habang ito naman ang muling pagbabalik-pelikula ng mahusay na komedyante, si Paolo at kauna-unahang pagiging leadingman sa isang love story movie.

ni JOHN FONTANILLA

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top