Monday , February 17 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chavit Singson, kompiyansa bilang third telco bidder
Chavit Singson, kompiyansa bilang third telco bidder

Chavit Singson, kompiyansa bilang third telco bidder

MATAPOS ang matagumpay na pagdaraos ng Miss Universe 2017 sa bansa na pinangunahan ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, naka-focus naman siya ngayon para maging ikatlong telco ng bansa.

Kompiyansa si Chavit na mananalo ang kanyang consor­tium na LCS Group-TierOne Communications sa bidding para sa 3rd telecommunications player sa bansa.

Pahayag ni Singson sa isang panayam, “Kung P100 ang presyo nila (Globe o Smart), kami P5 lang, dapat na libre ang Wi-Fi.”

Matatandaang sa naturang pagdaraos ng Miss U pageant sa bansa, si ex-Gov. Chavit ay naglabas din ng malaking halaga kahit wala halos kinita, huwag lang mapahiya ang Filipinas.

Ayon sa pangulo ng LCS Group, kaya nilang pababain nang husto ang presyo ng in­dustriya bukod pa sa mas mala­wak na coverage na hatid ng kanilang ‘broadband satel­lites. Ang pagkuha nila ng mga satel­lites ay bunga ng kanilang pakikipagkasunduan sa aero­space company na Boeing.

Ipinagmalaki rin ni Singson ang layon nilang pagbubuo ng ‘telco-in-a-box’ sa higit 50,000 komunidad. Ilalagay ang solar-powered na pasilidad sa isang container van para magbigay ng internet sa loob ng 500-meter radius. Aabot sa P150-billion ang kakailanganing pondo para makasali sa bidding, base na rin sa Terms of Reference nito.

Paglilinaw ni Singson, mis­tulang ‘charity’ ang alok nilang serbisyo para sa mamamayang Filipino. Para naman kay Simon Fjell, vice president ng TierOne Communications, hindi nila layong kumita sa telecom­munications services at Wi-fi kundi sa iba pang serbisyo tulad ng mobile banking at blockchain applications.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Tell Me Your Dreams ni Aiko, mapapanood sa Starmalls at Vista malls

Tell Me Your Dreams ni Aiko, mapapanood sa Starmalls at Vista malls

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top