Categories: Sports

Blatche, sabik nang bumalik sa Team Filipinas

Share

NANGANGATI  na uling makapagsuot ng uniporme ng Team Pilipinas si naturalized import Andray Blatche.

Ito ay ayon sa kanyang pahayag kahapon ilang linggo bago ang nalalapit na fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“War ready, waiting for that phone call for these two coming games,” ani Blatche sa kanyang post sa opisyal na instagram account na @draylive.

Kalakip ng post ang kanyang larawan suot ang Pilipinas jersey sa first round ng idinaraos na Asian Qualifiers.

Kasalukuyan pang gumugugol ng tatlong larong suspensiyon ang 32-anyos na si Blatche kasama sina Troy Rosario, Jayson Castro at Terrence Romeo dahil sa rambol kontra Australia noon pang nakaraang Hulyo.

Inaasahang matatapos na ang naturang suspensiyon sa 30 Nobyembre kontra Kazakhstan, na magbibigay-daan sa kanyang pababalik sa national team kontra Iran sa 3 Disyembre.

Bunsod ng napipintong pagbabalik ni Blatche, inaasahang lalong lalaki at lalakas ang Filipinas na hangaring mapatatag ang hawak nito sa ikatlong puwesto ng Group F hawak ang 5-3 kartada.

Sa ngayon ay nasa likod ng Australia (7-1) at Iran (6-2) ang Team Pilipinas at ang panalo sa dalawang home games sa Mall of Asia Arena kontra Kazakhstan at Iran ang lalong maglalapit sa kanilang sa pagpasok sa World Cup na gaganapin sa China sa susunod na taon.

Sasamahan ni Blatche sa lalong pinatatag na Team Pilipinas ni head coach Yeng Guiao ang iba pang higante na sina Christian Standhardinger, Ian Sangalang, John Paul Erram, Beau Belga, Raymond Almazan at Asi Taulava.

Dagdag dito sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter na sa wakas ay magaling na ulit mula sa shin at ankle injuries, ayon sa pagkakasunod.

Isasali rin ni Guiao sa koponan si 7’1 teen sensation Kai Sotto upang masanay agad ang binatilyong higante para sa kanyang hinaharap na pagbandera sa national team.

Inaasahang papangalanan nin Guiao ngayon ang kanyang pinal na training pool matapos ang board meeting kasama ang PBA Board of Governors bago ang pagsisimula ng 2018 PBA Governors’ Cup quarterfinals.

ni John Bryan Ulanday

John Bryan Ulanday

Published by
John Bryan Ulanday

Recent Posts

NAIA yellow cab driver tiklo sa ‘overcharging’

ISANG yellow cab driver ang inaresto ng mga tau­han ng Mobile Patrol Security Unit (MPSU) nang ireklamo ng dala­wang pasahero… Read More

20 hours ago

LTFRB ban sa hatchback kukuwestiyonin sa Korte

HIHINGIN na ng Lawyers for Com­muters Safety and Pro­tection (LCSP) ang utos ng Korte para ipatupad ng LTFRB ang tatlong-taon… Read More

20 hours ago

DFA staff na ‘umayos’ sa diplomatic passport ni ex-Sec. del Rosario tiyak na ‘sabit’ — Sotto

NANINIWALA si Senate Pre­sident Vicente Tito Sotto III na may sasabit na tauhan ng Department of Foreign Affairs sa revalidation… Read More

20 hours ago

Preso, patay sa loob ng selda

HINDI na nakalaya at sa loob ng selda inabot ng kamatayan ang 44-anyos preso na may kasong act of Lasciviousness… Read More

20 hours ago

Isko, nakiisa sa 448th Araw ng Maynila

NAGPAHAYAG ng pakikiisa at pagbati si incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagdiriwang ng ika-448 anibersaryo ng pagkakatatag… Read More

20 hours ago

3 gov’t agency topnotcher sa korupsiyon — PACC

NANGUNA ang Bureau of Customs (BoC) sa ahensiya o kagawaran  ng gobyernong naitala na may reklamo ng katiwalian at korupsiyon… Read More

20 hours ago