Tuesday , April 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Donaire, world champion ulit
Donaire, world champion ulit

Donaire, world champion ulit

NASA tuktok muli ng world boxing si “Filipino Flash” Nonite Donaire Jr.

Ito ay matapos siyang umiskor nang malaking fifth round TKO victory kontra Ryan Burnett upang agawin ang WBA bantamweight title kahapon sa SSE Hyrdo sa Glasgow, Scotland.

Iniinda ang back injury dahil sa sablay na suntok sa umpisa ng fourth round, hindi na nakapalag ang dating kampeon na si Burnett nang samantalahin ito ni Donaire sa pagpapaulan niya ng suntok.

Napaluhod si Burnett para sa knockdown ni Donaire bago mailigtas ng bell sa naturang round.

Ngunit dahil lumalala na ang sakit sa likod ni Burnett, hindi na niya nagawang maipagpatuloy ang laban sa simula ng ikalimang round tungo sa tagumpay ng Filipino Flash.

Malaking biyaya ito para kay Donaire na naghahabol pa sa score cards ng dalawang hukom, 37-38, 37-38, bago itigil ang laban.

Sa kabila nito, tinatanggap aniya ni Donaire ang tagumpay.

“A win is a win but he was an amazing fighter,” ani Donaire na humihiling sa agarang paggaling ng 26-anyos na karibal na si Burnett.

Dating four-division World Champion, umangat na ngayon ang baraha ng 35-anyos na si Donaire sa 39 panalo, 26 mula sa knockouts at limang talo.

Bunsod ng tagumpay, sinamahan na ngayon ni Donaire sina Jerwin Ancajas, Manny Pacquiao at Vic Saludar bilang mga kasalukuyang boxing world champions.

Nakatakdang harapin ni Donaire si WBO champ Zolani Tete ng South Africa sa susunod na taon para sa bantamweight unification match.

Sa kabilang banda, nalasap ng Irish na si Burnett ang kanyang unang talo sa papasibol pa lamang na boxing career. Bumagsak ang kanyang sa 19W-1L-19KOs.

ni John Bryan Ulanday 

About John Bryan Ulanday

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top