Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kristel Fulgar, tiniyak na naiibang pelikula ang Class of 2018
Kristel Fulgar, tiniyak na naiibang pelikula ang Class of  2018

Kristel Fulgar, tiniyak na naiibang pelikula ang Class of 2018

ISA si Kristel Fulgar sa tampok sa pelikulang Class of 2018 na latest offering ng T-Rex Entertainment. Ito ay isang teen horror-thriller na pinamahalaan ni Direk Charliebebs Gohetia. Tampok din sa pelikula sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, at Kiray Celis.

Ang pelikula ay isang teen horror-thriller na palabas na ngayong November 7, ito’y isang chilling film tungkol sa 24 mag-aaral na kabilang sa Section Zamora at ang naging disgrasya sa kanilang field trip. Isang virus na nakaapekto sa kanilang mga kaklase at naging marahas na nilalang ang mga estudyante. Mapipilitan silang lumaban para mabuhay sa gitna ng pagkakakulong sa isang liblib na pasilidad ng pamahalaan.

READ MORE:  Aga Arceo, naglevel-up na bilang T-REX Artists

Ano ang role niya sa movie?

Saad ni Kristel, “Ang role ko rito, ako po si Princess, ex-mean girl po ako pero magba­bagong buhay po ako by trying to reach out sa character ni Sharlene, na na-bully ko rati.”

Paano niya ide-describe ang movie? “Actually, ito po ‘yung klase ng movie na kahit hindi ako kasama sa pelikula, papanoorin ko talaga. Kasi hindi po ako ganoon talaga kahilig sa mga local films, pero kahit local po ito, papanoorin ko po siya kasi iba po siya, ibang taste.

READ MORE:  Development ng career ni Sharon, bumilis (dahil sa commercial nila ni Gabby)

“Kagaya po ng sabi ni Direk kanina, first time sa Philippine history of cinema ang virus. So, interesting po and parang makare-relate po rito ang millennials like me. So, it’s very interesting po talaga,” naka­ngiting saad ng Kapamilya aktres.

READ MORE:  Nash, klinaro, tampuhan nila ni Alexa; Ilang beses sinuyo

Dagdag ni Kristel, “Horror-thriller ‘yung movie, tapos may ano rin po rito, comedy, romance… Kasi may love team po, bale ang NashLene po saka kaming dalawa ni CJ. Bale mayroon pong parang magiging side story sa pelikula po.”

Si Kristel ay 23 years old at isang recording artist and vlogger na mayroong millions of views sa hit na song covers niya sa kanyangYouTube channel.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved