Wednesday , April 24 2024
Gloria Diaz Elizabeth Oropesa Pamilya Roces
Gloria Diaz Elizabeth Oropesa Pamilya Roces

Gloria at Beth, kuwela ang tandem

BAGAY na comedy team sina Gloria Diaz at Beth Oropesa tampok sa Pamilya Roces. 

Habang hinahamak-hamak ni Gloria si Beth, kuwela ang resulta sa publiko. May napapansin lang ang mga netizen, walang tigil sa pag-inom ng alak si Gloria kese­ho­dang paupo-upo lang siya sa sala.

Mabuti naman may project na rin si Carla Avellana matagal din siyang hindi napapanood, malimit paulit-ulit lang na nababasa na malapit na silang magpakasal ni Tom Rodriguez.

Galing ni Coney,
nababalewala
sa VM

MISTULANG  naging cartoon ang ilang eksenang napapanood sa Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Mga nagsasalitang ewan kung ano bang character ang mga ito na kausap palagi ni Andrea Torres.

Nakahihinayang naman ang galing sa pag-arte ni Coney Reyes na hindi mabigyan pansin para i-display sana sa istorya.

Sa susunod sana ibang character na ni Alden dahil nanghihinayang din sila sa malapan­tasyang kasay­sa­yan ng  Vic­tor Magtanggol.

Sana muli na lang itambal ang bi­nata kay Maine Mendoza para mapag-usapan naman.

Sanya, naiyak
sa Wowowin

NAPAIYAK si Sanya Lopez noong mag-co-host kay Willie Revillame sa Wowowin. Na-touch siya sa malulungkot na istorya ng mga sumasali sa Wheel of Fortune.

Masaya si Sanya nag-klik ang tambalan nila ni Derrick Monasterio sa Wild and Free.

ni VIR GONZALES

About Vir Gonzales

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *