Categories: Showbiz

Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

HINDI itinanggi ni Carlo Aquino na kinakabahan siya sa gagawin nilang konsiyerto ni Mateeo Guidicelli sa November 17, sa Music Museum, ang MatteoXCarlo dahil matagal-tagal na rin namang hindi siya nakapagpe-perform.

Ayon sa magaling na actor, G-Mik days pa ang huling performance niya kung music ang pag-uusapan kaya naman happy siya sa gagawin niya.

“Kinakabahan ako, pero excited ako dahil gusto ko rin naman talaga ito,” ani Carlo.

Tiniyak naman ni Matteo na mag-eenjoy ang sinumang manonood sa kanilang concert ni Carlo.

“I think the people would have a good time and just love all around. There’s nothing really fancy, there’s just going to be a banda and us,”sambit ni Matteo.

Nang tanungin si Carlo kung special guest si Angelica Panganiban. Sumagot ito ng, ”Hindi ko alam kung makakapunta sila. Sila?” sabay tingin kay Matteo habang tumatawa at sinabing sure namang iibitahan niya ang magaling na aktres.

Hindi naman nasagot ni Matteo kung may aakyat na Sarah sa kanilang concert. Pero sure na susuportahan siya ng girlfriend.

First time magsasama ang dalawa sa kanilang major concert, MatteoXCarlo handog ng Hills & Dreams at OnQ Productions. Asahan ang paggawa nila ng medley at solo performances. Na ang kanilang music fusion ay tiyak na magiging exciting.

“We will be very exciting for both of them because we will mix up their songs in a way that it they will make it their own and at the same time sing it solo and together,” sabi ni Hills & Dreams concert producer Vernice Soyangco.

Hirit pa ni Carlo, ”Gusto ko lang maramdaman nila na malaking tulong ang nabibigay ng music sa buhay at malaking inspirasyon ang makukuha nila sa musika. Makikita nila na nag-e-enjoy ako na mag-perform.”

Ang MatteoXCarlo ay ididirehe ni Frank Lloyd Mamaril samantalang si Marvin Querido ang musical director. Para sa tickets, tumawag sa Ticketworld sa 891-9999 o kay Grace Nerona sa 0926-063 5223.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Pia, goal na makasali ng marathon (after ng sexy pictorial sa GSMI)

Maricris Valdez Nicasio

Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

25th Asian TV Awards Festival Opens Call for Entries

After the success of this year’s first-ever Manila-hosted 24th Asian Television Awards (ATA) last January 10 to 12 at Resorts… Read More

12 hours ago

Divina Valencia handang magpaluwal sa DNA Test para kina John Regala at sa hindi kinikilalang anak na lalaki sa isang Japayuki

DURING her prime ay isa sa malapit na kaibigan ni Divina Valencia, sa showbiz ang kamamatay na si Ruby Regala,… Read More

12 hours ago

Matt Evans, dumaraan sa mga pagsubok

MARAMING malapit kay Matt Evans ang nalungkot sa pagkakaaresto sa actor kamakailan. May kauganayan ito sa kasong Republic Act 9262… Read More

12 hours ago

Allen Dizon, patuloy sa paghakot ng awards sa pelikula at telebisyon

PATULOY sa pagratsada ang award-winning actor na si Allen Dizon sa paghakot ng acting awards. Maging sa role man na… Read More

12 hours ago

2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)

UMABOT na sa apat na Filipino ang iniulat na namatay habang 31 ang sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog sa… Read More

19 hours ago

Residente ng SJDM City nangamba sa lockdown

NAGPAHAYAG ng pangamba ang mga-taga San Jose Del Monte City sa napipintong lockdown na ipapatupad ng lokal na pamahalaan pinamumunuan… Read More

19 hours ago