Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert
Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert

Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert

HINDI itinanggi ni Carlo Aquino na kinakabahan siya sa gagawin nilang konsiyerto ni Mateeo Guidicelli sa November 17, sa Music Museum, ang MatteoXCarlo dahil matagal-tagal na rin namang hindi siya nakapagpe-perform.

Ayon sa magaling na actor, G-Mik days pa ang huling performance niya kung music ang pag-uusapan kaya naman happy siya sa gagawin niya.

“Kinakabahan ako, pero excited ako dahil gusto ko rin naman talaga ito,” ani Carlo.

Tiniyak naman ni Matteo na mag-eenjoy ang sinumang manonood sa kanilang concert ni Carlo.

READ MORE:  Carlo sa posibilidad na maging sila muli ni Angelica: Walang imposible

“I think the people would have a good time and just love all around. There’s nothing really fancy, there’s just going to be a banda and us,”sambit ni Matteo.

Nang tanungin si Carlo kung special guest si Angelica Panganiban. Sumagot ito ng, ”Hindi ko alam kung makakapunta sila. Sila?” sabay tingin kay Matteo habang tumatawa at sinabing sure namang iibitahan niya ang magaling na aktres.

Hindi naman nasagot ni Matteo kung may aakyat na Sarah sa kanilang concert. Pero sure na susuportahan siya ng girlfriend.

READ MORE:  Kompiyansa sa sarili ni Vhong, aminadong nawala

First time magsasama ang dalawa sa kanilang major concert,  MatteoXCarlo handog ng Hills & Dreams at OnQ Productions. Asahan ang paggawa nila ng medley at solo performances. Na ang kanilang music fusion ay tiyak na magiging exciting.

“We will be very exciting for both of them because we will mix up their songs in a way that it they will make it their own and at the same time sing it solo and together,” sabi ni Hills & Dreams concert producer Vernice Soyangco.

READ MORE:  Carlo at Angelica, walang relasyon pero grabe ang sweetness

Hirit pa ni Carlo, ”Gusto ko lang maramdaman nila na malaking tulong ang nabibigay ng music sa buhay at malaking inspirasyon ang makukuha nila sa musika. Makikita nila na nag-e-enjoy ako na mag-perform.”

Ang MatteoXCarlo ay ididirehe ni Frank Lloyd Mamaril samantalang si Marvin Querido ang musical director. Para sa tickets, tumawag sa Ticketworld sa 891-9999 o kay Grace Nerona sa 0926-063 5223.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Pia, goal na makasali ng marathon (after ng sexy pictorial sa GSMI)

Pia, goal na makasali ng marathon (after ng sexy pictorial sa GSMI)

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved