Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pia Wurtzbach, 2019 Ginebra San Miguel Calendar Girl
Pia Wurtzbach, 2019 Ginebra San Miguel Calendar Girl

Pia Wurtzbach, 2019 Ginebra San Miguel Calendar Girl

KASABAY ng pagdiriwang ng 85th anniversary ng Ginebra San Miguel ang paglulunsad ng kanilang 2019 Calendar Girl at ito ay ang very hot and sexy, 2015 Miss UniversePia Wurtzbach.

Ayon kay GSMI Marketing manager, Ron Molina”Ipinagmamalaki naming makuha si Ms. Pia Wurtzbach bilang Ginebra San Miguel 2019 Calendar Girl. Si Pia ang siyang angkop na personalidad para maging kinatawan ng aming tatak. Lalo pa’t ipinagdiriwang ng Ginebra San Miguel ang ika-85 anibersaryo. Si Pia ang kawangis ng tatak Ginebra.”

Bukod sa Ginebra San Miguel, kasamang lalabas sa pahina ng kalendaryo ang iba pang mga produkto ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) tulad ng Ginebra San Miguel Premium Gin, G.S.M Blue Flavors, G.S.M Blue Light Gin, Primera Light Brandy, Vino Kulafu, Antonov Vodka, Anejo Gold Medium Rum, at Don Enrique Mixkilla.

READ MORE:  Pia, ipinahiya ang kanyang mga magulang
READ MORE:  Meet The Mormons movie, isang pagtanaw sa buhay ng mga Mormons

Very Proud naman at sobrang saya si Pia sa pagiging pamilya ng GSMI.

“Ipinag­mamalaki ko na ako ay magiging bahagi ng Ginebra San Miguel family.

“Mas ipinagmamalaki ko rin na aking kinatawan ang kinikilalang tatak Filipino na ito na pinagkakati­walaan at kinikilala sa buong mundo. Parehas kaming nagtataglay ng never-say-never-die spirit-hindi kami susuko hangga’t hindi naming nakakamit ang aming mga pangarap,” giit ni Pia.

MATABIL
ni John Fontanilla


Marian, kinabog ang ibang stars sa sandamakmak na ineendoso

Marian, kinabog ang ibang stars sa sandamakmak na ineendoso

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved