Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Batang’ ulyanin si Isko Moreno?

‘Batang’ ulyanin si Isko Moreno?

SUMASAKIT na raw ang tainga ng mga bo­tante tuwing maririnig ang tahol na ‘Asenso Manileño,’ alam nilang nalalapit na ang eleksi­yon at kakandidato na naman si Francisco Domagoso (aka) Isko Moreno.

Gasgas na kasi ang Asenso Manileño na laging gamit ng pangkat ni Mang Isko sa kam­panya at pinagsawaan na ng mga botante.

Dahil durog na ang kredibilidad ni Mang Isko sa mga botanteng Mani­leño kaya’t hindi na importante kung anoman ang kanyang maipa­pangako sa pagtakbong alkalde na alam din nilang mapapako.

Sabi nga ni Abraham Lincoln, “You can fool all the people some of the time, and some of the people all the time, but you cannot fool all the people all the time.”

Kung may pinananabikan man ang mga botante ‘yan ang paglabas ng totoong kuwento kung bakit mabilis nabasag ang tambalan nila ng dating amo na si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada pagkatapos lang ng isang termino.

Ramdam ng mga botante na imbes plata-porma at programa ay matitinding banat at paglalabas ng baho laban sa dating tandem ang pinag­handaan ni Mang Isko na pakakawalan sa kam­panya.

READ MORE:  STL sa Albay at Camarines Sur, pilit na sinisira!

Sa isang radio interview sa kanya kamakailan, ani Mang Isko:

“Joseph ‘Erap’ Estrada’s time as Manila mayor is up!”

Naging paurong ang Maynila dahil sa mabagal daw na progreso at napag-iwanan ng ibang lungsod sa Metro Manila sa nakalipas na 6-taon ni Erap, sabi pa ni Mang Isko:

“Siguro ‘yung anim na taon ay sapat na pa­nahon na makapagbago sa isang siyudad. O kahit man lang konting pagbabago pero hindi naman puwedeng habang panahon tayo magpaparaya at kung lalo na’t nakikita natin na walang kinahihinatnan o pinatutunguhan.”

Ikinompara rin ni Mang Isko ang kanyang sarili sa ilang lungsod na umasenso sa Metro Manila, na ayon sa kanya ay tulad niya rin daw na bata ang nakaupong alkalde.

Nakasohan din kaya ng plunder ang mga tinu­tukoy niyang alkalde dahil sa ghost employees?

Mukhang una pang nagkasakit ng Alzheimer’s si Mang Isko kaysa makakalaban na kinantiyawan pa niyang matatanda na.

READ MORE:  Si Kian ba ang magpapabago sa moralidad ng PNP?

Nakalimutan kasi ni Mang Isko na tatlong taon ng anim na taon ay siya ang bise ni Erap at kasama sa mga naghasik ng prehuwisyo sa Maynila.

Hindi ba natatandaan ni Mang Isko na sila ni Erap ang nakaisip na ipatupad ang mataas na buwis sa Maynila, pangunahin ang 300 por­siyentong bayad amilyar?

Nalimutan na ba ni Mang Isko na siya ang kanang-kamay ni Erap nang ipagbawal pumasok ang mga bus sa Maynila na walang hatag?

Hindi ba’t si Isko ang itinalaga ni Erap na “traffic czar” at nagpatupad ng “modified truck ban” na kinotongan sa Maynila, kesehodang magkabuhol-buhol ang buong Metro Manila?

Maigsi na ba ang pantanda ni Mang Isko at hindi na maalala na siya ang pasikat na traffic czar ni Erap na walang-awang kumakaladkad, nagmumura at nananakit sa mga pedicab, jeepney at bus driver na parang mga hayop lang kung tratohin?

Hindi na ba matandaan ni Mang Isko kung sino ang promotor sa mala-extortion na pag­­pa­patigil sa konstruksiyon ng Torre de Manila na pinayagan din ituloy matapos pagkakitaan?

READ MORE:  Hinanakit ni Digong

Tiyak na may mga alas din na hawak si Erap na ipantatapat sa mga pakakawalan ni Mang Isko kung sakali at sigu­radong hindi pa­payag na mag­palamang kung labasan ng baho ang laban.

Paano malili­mutan ng mga bo­tante na ang Asen­so Manileño ay nagamit sa pag­bulsa ng pondo mula sa PAGCOR share para sa konseho ng Maynila at ibang lungsod bilang foundation?

Aba, ano na nga pala ang nangyari sa isinampang kaso ng ilang barangay officials sa Tondo tungkol sa RPT share na inilipat sa ibang barangay na ka­dikit ni Mang Isko?

Sana ay maa­la­la rin ng mga bo­tante ang ma­laking katrayduran ng Konseho na pina­munuan ni Mang Isko sa ipinasang ordinansa na ilibre ang kompanyang Smart sa pagba­bayad ng buwis sa Maynila.

Kung si Mang Isko ay ulyanin na, ang mga Manileño ay hindi.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved