Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Political dynasty sa PH ‘suportado’ ng ‘bobotante’
Political dynasty sa PH ‘suportado’ ng ‘bobotante’

Political dynasty sa PH ‘suportado’ ng ‘bobotante’

KUNG nasasadlak man sa kahirapan ngayon ang maraming Filipino habang nagpapasasa sa yaman ng bansa ang maraming politiko, huwag na po tayong magtaka…

Kahit saang anggulo natin tingnan, tayong mga botante ang dapat sisihin, dahil nagluluklok tayo ng mga politikong ang layunin sa buhay ay iluklok ang kanilang buong angkan sa kapangyarihan nang sa gayon ay laging protektado ang kanilang mga interes.

Huwag na tayong magbanggit ng mga pangalan, baka lalo pa silang sumikat.

Pero lumingon-lingon lang sa paligid, mula Luzon, Visayas, Mindanao at NCR, ang mga politiko lalo na ‘yung mga ‘trapo’ kapag natapos ang termino ng tatay, ang susunod na tatakbo ang asawa o mga asawa.

Ang mga anak, pinatatakbo din sa iba’t ibang puwesto at kamukat-mukat natin, natapos na ang kanilang termino at malalaki na rin ang mga anak at apo kaya sila naman pinatatakbo.

READ MORE:  EL Nido PCG overacting

Wakaranai!

Ang sakit talaga sa ulo. Hindi natin main­tindihan kung bakit nangyayari ito sa mga Filipino. Gayong kung tutuusin, sikat ang mga Pinoy sa talino, pagiging makabayan, mapanuri at mapag­pahayag ng damdamin lalo na kung diskontento.

Pero madali rin lumimot, kaya hayun, kapag nakapagpa-selfie sa politiko, naabutan… ng giveaway, ‘naipitan’ sa kamay ng ilang ‘Ninoy’ o ng papel na kulay blue, nalilimutan ang lahat at muli na namang iboboto kahit ‘yung bistadong sariling bulsa lang nila ang inaasikaso.

Kaya nga mas bagay na itawag ngayon sa mga botante ay ‘bobotante.’

Kasi nawawala ang ‘wisyo kapag botohan na.

Muling malilimutan ang sumisirit na palitan ng piso at dolyar; hindi mapakaling maya’t mayang pagtaas ng presyo ng petrolyo; ang bigas na now you see, now you don’t; at ang batayang pasahe sa jeepney na malapit na malapit nang maging P10 — kaya tiyak na sisirit na rin ang pasahe sa mga bus sa EDSA at sa iba pang provincial buses. Kasunod na niyan ang pagtaas na naman ng presyo ng gulay, isda at karne.

READ MORE:  Nababoy na ang Carriedo - Rizal Avenue (Manila)

Hindi po coincidence lahat nang iyan. Dapat po nating maintindihan na kaya tayo naghahalal ng mga mamumuno sa atin ay para maging ma­ayos ang ating pamumuhay at ang bawat hene­rasyon ay magkaroon ng magandang kina­bukasan.

Kung matagal na panahon nang ang magandang kinabukasan ay napupunta lang sa iilang pamilya ng mga politiko, ibig sabihin, malaking-malaki po ang problema sa siste ng gobyernong Filipino.

Kung sinusuri po natin ang ating lipunan at nakikita natin kung sino ang mga tunay na salot, hindi po ibig sabihin no’n na gusto na nating mag-rally, o gutso natin maging komunista o gusto nang maging NPA.

READ MORE:  Mandatory Drug Test kailangan na para sa various networks’ actors and actresses

Ang pagsusuri sa nangyayari sa lipunan ay isang mahalagang katangian ng isang mama­mayan para magkaroon siya nang ta­mang posisyon kung hinihingi ng gobyerno ang kanyang pakikilahok sa  pagpapasya — gaya nga ng eleksiyon.

Kung hindi pa ganito ang nagaganap sa bawat mamamayan, ibig sabihin lang no’n, ‘wag tayong mag­taka kung bakit lalong lumalakas ang political dynasty sa ating bansa…

Ibig sabihin lang no’n, mas dumami na ang mga ‘bobotante’ kaysa ‘matatalinong botante.’

Kayo, saan po ba ninyo gustong mapabilang?!

Esep-esep na po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved