Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kanta ni John Alejandro para sa Azkals PH Team at AlDub libo-libong views na sa Youtube
Kanta ni John Alejandro para sa Azkals PH Team at AlDub libo-libong views na sa Youtube

Kanta ni John Alejandro para sa Azkals PH Team at AlDub libo-libong views na sa Youtube

PALIBHASA proven sa kaniyang pagiging mahusay na performer, patuloy sa pagiging in-demand ang Pinoy versatile recording artist na si John Alejandro sa regular gigs niya sa iba’t ibang famous bar sa Yokohama, Japan tulad sa Marine Shuttle Cruise (Yamashita Park, Yokohama) kasama ng kanyang Japanese group, at sa Yokohama 7 Live House (Kannai, Yokohama) na madalas ay napupuno ni John ang venue.

READ MORE:  Farmers, maraming kuwentong dapat i-share — Dr. Milaros

By the way, may nai-record palang song si John A, para sa Team Azkals ng Filipinas, ang titulo nito ay “Go Azkals” na may libo-libong views sa YouTube. Siguradong natuwa rito ang fans ng nasabing team at maging ang mga miyembro nito na sina Neil Ethridge, Roland Muller, Simon Rota, Amani Aguinaldo, Mark Hartmann, mag-utol na James at Phil Younghusband etc. Maganda ang song at beat nito na puwede pa rin i-download sa http://www.clickmusic.com in high resolution at Click Music.

READ MORE:  Miles, suwail na anak?

Matatandaan noong kasikatan nang husto ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza ay nag-record din ng song si John para sa dalawa na may pamagat na “Aldub U” na humamig rin ng maraming views dahil sinuportahan ito ng ALDUB Nation sa YouTube.

READ MORE:  Aktor feeling faithful, pagseselos ng dyowa, may basehan

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma


Wild and Free nina Sanya at Derrick  palabas pa rin sa maraming sinehan

Wild and Free nina Sanya at Derrick palabas pa rin sa maraming sinehan

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved