Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gusto kong makatrabaho ang number one station — Songbird
Gusto kong makatrabaho ang number one station — Songbird

Gusto kong makatrabaho ang number one station — Songbird

Bakit nga ba gusto niyang bumalik sa ABS-CBN?

“You know, at my age and at the stage of my career, we all know, you know, alam nilang lahat ng mga reporter dito na mga kaibigan ko na, hindi naman ako ilusyonadang tao. Alam ko naman kung ano ‘yung lugar ko sa industry.

“The reason why I’m here is because hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta and I want to work with their talented singers. ‘Yun talaga ‘yun, na bago man lang matapos ‘yung career ko, masabi kong nakatrabaho ko rin ang number one station.”

At makakasama na rin si Regine sa kakanta ng ABS-CBN Christmas ID Station,” siyempre kasali ako roon. Kasali ako roon lahat. Excited ako, actually hindi pa nila alam, sinabi ko lang. I think I’m part of it.”

Samantala, natanong si Regine na kung sakaling buhay pa ang tatay niyang si Mang Gerry ay ano kaya ang masasabi sa pagbabalik niya sa ABS-CBN.

“He’s probably say, ‘I’m proud of you, it’s about time.’ Kilalang-kilala ko ‘yung tatay ko,” malungkot na sabi ng singer.

Sabay bawing pinasigla ang tinig, ”alam mo, kilalang-kilala niya ang mga guard dito noon kasi ka-yosi (sabay muwestra) niya ‘yung mga guard, eh, hindi nga. Tapos classmate niya si Tita Cory (Vidanes) sa yosi. 

“Noong nag-uumpisa ako kasi ‘yung tatay ko, hindi ‘yan nakikialam sa mga desisyon ko, but I would ask him lalo na kapag naguguluhan ako, ‘tama ba ganito ang gagawin ko?’ ang sagot lang niya, ‘ikaw, kung gagawin mo ‘yan, dapat papanindigan mo?’ kaunti lang sinasabi ng taong ‘yun, ewan ko ba. Kung nabubuhay siya ngayon, sasabihin niyon, ‘It’s about time.’”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


3 shows, pelikula, album, gagawin ni Regine sa ABS-CBN
3 shows, pelikula, album, gagawin ni Regine sa ABS-CBN
Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine
Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine
COMMENTS
READ MORE:  Chad, Rannie, Renz, at Richard muling mapakikinggan sa An evening with The Hitmen

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved