Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharlene, dream maging action star; insecure sa katawan
Sharlene, dream maging action star; insecure sa katawan

Sharlene, dream maging action star; insecure sa katawan

IKINATUWA ni Sharlene San Pedro ang pagkaka-offer sa kanya ng Class of 2018, ang pelikulang idinirehe ni Charliebebs ‘Beb’s Gohetia at unang pelikulang pagbibidahan nila ni Nash Aguas.

“Kakaiba kasi siya at binasa ko ‘yung plot sa harap ng daddy at mommy ko. Ang reaction nila talagang, ‘oy parang kakaiba ‘yan a.’ Ganoon agad ang reaction nila kaya sabi ko, ‘oo nga eh.’ At habang binabasa ko siya nai-imagine ko agad kung ano ang mangyayari, kaya nag-yes agad ako.

“The day bago mag-look test, sinabi nilang, ‘ito ang requirement para kay Ada, blah blah blah. Sabi ko, ‘eh hindi naman ‘yan (Ada) ang role ko eh.’ Ikinagulat ko talaga na ako na pala iyon. Nakatutuwa. Hindi ko talaga alam kung ano ang ie-expect ko. Sobrang na-excite ako.”

Sinabi naman ni Direk Bebs, dapat ay ang role na Princess ang gagampanan ni Sharlene. ”Something happened tapos we felt na Nash and Sharlene will fit better with Ada and RJ and so parang launching na rin nila as a pair. Kasi malakas sila sa Twitter on line. The people really asking or requesting na sana magsama sila kasi wala pa silang movie na magkasama so, why not?”

Ikinagulat din ni Nash Aguas na silang dalawa ni Sharlene ang bida sa Class of 2018 na handog ng T-Rex Entertainment.

READ MORE:  Hindi nila nirespeto ang panlasa ng manonood — Vic sa MMFF committee

“Natuwa and thankful sa tiwala. And siyempre kinabahan tapos unti-unti na andoon na ‘yung pressure. Pero at the same time nanaig ‘yung excitement kasi bagong plot, bagong istorya at hindi pa nagagawa sa Pilipinas.

“And bata pa ako gusto kong maging action star ng palihim. At kapag may mga fight scene tuwang-tuwa ako, give na give ako. Nakatutuwa rin in a way, na-showcase ‘yung mga action ko,” sambit ni Nash.

READ MORE:  Kauna-unahang TNT Grand Winner, malalaman na

“Ako rin gusto ko rin ng action movie,” susog naman ni Sharlene. ”Lagi kong sinasabi na dream role ko ang action. Parang bihira kasi sa babae ang nag-a-action, mostly lalaki talaga. Pero lately nag-start na si Ate Anne (Curtis) sa ‘Buybust.’ Pero hindi ko naman ikinokompara ang sarili ko roon, pero gusto ko ‘yung ganoong role. Sobrang bad ass. Kaya sobrang thankful talaga,” dagdag pa ni Sharlene.

“This is definitely a different launching movie for them. Kasi ang usual rom-com, so they’re taking a different path. Hopefully they will accept it and manood sila. Sobrang tinanggap nila (NashLene) ‘yung challenges na hindi rom-com ang launching nila,” wika naman ni Direk Bebs.

Kasama rin sa pelikula sina Kristel Fulgar, CJ Navato, at Kiray Celis.

READ MORE:  Mall tours ng Warner Music Phils artist na si Nick Vera Perez successful lahat, Queen Rosas very proud sa kaibigang singer

Samantala, aminadong insecure sa kanyang katawan si Sharlene.

Aniya, ”Hindi po talaga ako nagpapakita ng skin. Conservative type po kasi ako. Parang lumang tao. Pero sando lang itong isinuot ko rito. Pero medyo kinabahan ako sa pagsusuot ng sundo kasi nakakatawa kapag may mga scene, sinasabi ko na, ‘parang medyo kita ang cleavage ko riyan a, maganda ba?’

“Inaasar naman ako lagi ni Ate Kiray. ‘Parang wala naman,’ sabi niya. Eh siya ‘yung malaki ang cleavage hahaha. Nakatulong din para mawala ang insecurity ko kasi nandiyan ‘yung mga friends ko na nagsasabing, ‘okey ‘yan!’ ‘Maganda’ ‘okey naman, ‘wag kang mahiya.’ So ‘yun nakatulong talaga ng malaki ang mga friend ko para mawala ‘yung insecurity.”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  


Nash, klinaro, tampuhan nila ni Alexa; Ilang beses sinuyo
Nash, klinaro, tampuhan nila ni Alexa; Ilang beses sinuyo
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved