Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine, nagbalik-Kapamilya!
Regine, nagbalik-Kapamilya!

Regine, nagbalik-Kapamilya!

ANIMO’Y may komosyon sa ABS-CBN kahapon ng hapon dahil sa ginawang pagsalubong kay Regine Velasquez para sa pagpirma nito ng kontrata sa Kapamilya Network.

Napaka-engrande ng nangyaring pagsalubong kay Regine na dinaluhan ng mga tagapamahala ng kompanya at ng mister niyang si Ogie Alcasid.

READ MORE:  Regine sa mga basher — Kayo ang panalo rito!

Dumalo sa pirmahan sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinall TV Production head Laurenti DyogiCacai Velasquez, manager ni Regine; Chief Operating Officer Cory Vidanes; Chairman of ABS-CBN Mark Lopez; President and CEO Carlo Katigbak; at Kat Lopez, CEO for Broadcast.

READ MORE:  Nash Aguas, batang ama sa seryeng Bagito (Mapapanood na ngayong Lunes, bago mag-TV Patrol)

“I am now a certified Kapamilya,” masayang sambit ni Regine matapos niyang pumirma ng kontrata sa  ABS-CBN, na nagpapatibay sa kanyang paglipat sa Kapamilya Network.

Sa report ng abs-cbnnews.com, sinabi ni Regine na sabik siyang lumahok sa mga proyekto ng Dos at makasama ang ilang mga bituin ng network gaya nina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Martin Nievera.

READ MORE:  Kantang paborito ng mga bading

Inanunsiyo rin ang paglahok ni Regine sa pagtatanghal ng programang  ASAP sa Sydney, Australia sa Oktubre 20 sa ICC Sydney Theatre. (MVN)

 

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved