Wednesday , November 5 2025
HATAW logo
HATAW logo

Mula sa Patnugot: 15 taon nang humahataw

LAGI kaming nanganganay. ‘Yan ang katangian ng gawain sa pama­mahayag. Nagiging  beterano lang ang isang mamamahayag dahil sa kanilang edad at tagal ng panahong inilalagi sa gawaing ito.

          Pero beterano man o hindi, ang araw-araw na pagganap sa trabaho bilang mamamahayag ay hindi puwedeng sabihing chicken.

          Sabi nga, ang husay ng isang mama­mahayag ay laging nakabatay sa kanyang huling istorya o retrato.

          Sorry kung bokya ang huling retrato o istorya mo bago ka pasulatin ng Diyos ng 30.

          Kaya kung dedikado ang isang mamama­hayag, mas gugustuhin niya ang pakiramdam na lagi siyang nanganganay dahil ang ibig sabihin noon, ginawa niya ang lahat upang iluwal ang bagong diyaryo sa bawat araw.

          God only knows, kung kinabukasan ay makapagkokober pa sa beat o makapagsasara pa ng mga pahina para sa isang bagong diyaryo kinabukasan lalo’t ang Filipinas ay ibinibilang sa isa sa mapanganib na bansa para sa mga mama­mahayag.

          O kung may pambili pa ba ng papel at pang-imprenta ang publisher.

          Hindi ibig sabihin ng pakiramdam na laging nanganganay ay pagiging perpekto.

          Mas pagiging dedikado, tapat, matiyaga at maingat dahil delikado ang aming trabaho — ‘yan ang nais naming ipaka­hulugan sa panganganay.

          Laging may kaba, may excitement at may ba­gong ideya kung paano tatapusin ang pagsasara ng mga pahina.

          Kaya kung 15-anyos na ang HATAW D’yaryo ng Bayan, ibig sabihin 5,475-araw na kaming nanganganay. 

          At sa aming pagpapatuloy, panghahawakan namin ang       aming pakiramdam na laging na­nganganaydahil sa pama­magitan nito, lalo naming sinisikap na magpakahusay.

                Sa lahat ng aming  tagatangkilikmaraming, maraming salamat po! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Sen. Bong Go lang ang tinukoy sa ‘insertion’

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. Bong Go lang …

Firing Line Robert Roque

Malabong policy ng MPD vs smokers

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-vape sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Ang sabi sa akin…” vs. “Ako mismo…”

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga imbestigasyon sa flood control anomalies, malinaw ang …

Firing Line Robert Roque

Linis-bahay si Remulla

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG kasado na ang bagong Ombudsman, si dating Justice …