Sunday , August 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Mag-amang Fred at Cristy Lim aarangkada sa Maynila
Mag-amang Fred at Cristy Lim aarangkada sa Maynila

Mag-amang Fred at Cristy Lim aarangkada sa Maynila

MAINIT na sinalubong ng mga suporter ang mag-amang Alfredo at Cristy Lim nang maghain ng certificate of candidacy (COC), bilang alkade ng lungsod ng Maynila si ex-Mayor Fred Lim, habang Konsehal naman ng Unang Distrito ng Maynila ang nilahukan ni Cristy Lim-Raymundo.
Samantala, naghain din ng COC bilang Mayor si Joseph “Erap” Estrada sa Commission on Elections (COMELEC) sa Aroceros St., Ermita, Maynila.
Aba, mga ‘igan, kailangan matuto ang mga botante partikular sa Lungsod ng Maynila. ‘Ika nga ni dating senator Juan Ponce Enrile, “Hindi pa ako ulyanin, kaya ko pang maglingkod bilang senator sa edad na 94.”
O ‘di ba? Mga ‘igan, kailangan mag-isip nang 100 beses sa pagpili ng inyong iboboto. Aba’y tatlong haring mago ‘yang magtutunggali at silang tatlo mga ‘igan, ay naglingkod na sa Lungsod ng Maynila.
Ang tanong mga ‘igan, may nagawa ba sila sa Maynila? He he he… ano ba ang nagawa ni Erap, na kasalukuyang Mayor sa Lungsod ng Maynila? Si Isko mga ‘igan, may nagawa na ba sa taga-Maynila?
Anak ng teteng mga ‘igan, paano itong binansagang ‘Ama ng Libreng Serbisyo, si Ka Fred Lim? Si Lim mga ‘igan ay nagpatayo ng mga ospital sa bawat distrito ng Maynila, mula District 1-6.
Si dating Mayor Alfredo S. Lim din ang kauna-unahang Mayor ng Lungsod na ipinatayo ang City College of Manila, na ngayon ay Universidad de Manila at nagpanukala ng libreng edukasyon sa kolehiyo.
‘Yan si Linisin Ikarangal ang Maynila (LIM). Mag-isip-isip sa pagboto…

magkakalaban nagpatutsadahan
Bagamat abalang-abala ang lahat mga ‘igan, lalo ang Comelec, dahil sa eleksiyon sa 2019, nanawagan si Ka Digong partikular sa PNP at AFP na manatiling walang kinikilingan sa panahon ng eleksiyon. Kasabay nito’y ang paghirit ng PNP ng dagdag-pondo bilang paghahanda sa nasabing eleksiyon.
Isa sa mga plano’y ang paghabol umano ng PNP at ng AFP sa private armed group upang mapigilan ang mga poll-related violence. Sa ngayon, ayon sa PNP, wala pa umano silang natatanggap na kahilingan para sa mga security escort mula sa mga politikong tatakbo sa 2019.
Sa mga naghain naman ng COC, “Mukhang buhay na buhay ang ating demokrasya,” sambit ni former Sen. Mar Roxas. Wow! Ganoon pa man, aba’y nagpatutsadahan ang magkakalaban mga ‘igan.
Si dating Senate President Juan Ponce Enrile, sus matanda na raw, 94 years old…ano’t magbabalik-senado pa he he he… “I’m not going to wrestle with anybody physically. I’m going to wrestle with them mentally,” paliwanag ni Former Sen. Juan Ponce Enrile.
‘Ika nga’y utak sa utak na lang ang labanan he he he…
Nagpatutsadahan din mga ‘igan ang magkalaban sa pagka-gobernador sa Cebu. Sa totoo lang, mabigat ang magiging sagupaan dito, sapagkat ang labanan ay sa pagitan ng mga wala pang talong politiko.
“Well, the knees, the joints would creak once in a while, but the heart is very young, the mind is very young, and you only need these two organs to serve the Cebuanos with integrity, accountability, and passion,” paliwanag ni Vice Governor Agnes Magpale ng Cebu.
Sinagot naman siya ng kanyang katunggali, “I always consider my opponent, kung sino man ‘yun, a very worthy opponent and I always run scared,” ani Rep. Gwendolyn Garcia ng Cebu.
Magkatunggali naman sa pagka-alkalde sa Lungsod ng Makati ang magkapatid na Binay. Sus ginoo, ano naman kaya ang ‘say’ ng kanilang amang si dating Vice President Jojomar Binay? “Sinabi na niya he’ll be neutral, so ito ‘yung isang paraan na maipakita na hahayaan niya ang taong bayan na maghusga kung sino ang pipiliin sa aming dalawa,” paliwanag ni Junjun Binay.
“He already gave his support for my candidacy. He is running under my ticket so I don’t think there will be any other interpretation once we start going down and campaigning,” ani Mayor Abby Binay.
Sa patutsadahan ng magkapatid na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at si Sen. JV Ejercito, “Kahit anong pambabatikos niya sa akin, kahit anong pagpapasaring niya sa akin, alam n’yo kapatid ko pa rin ‘yan, kadugo ko pa rin ‘yan, isa lang ang tatay namin,” ani dating Sen. Jinggoy Estrada na tatakbo sa pagkasenador.
Good, hindi na pinansin ang alitan nila ng half-brother niyang si Sen. JV Ejercito. Haaayyy naku, magbunga sana nang maganda ang patutsadahan ng magkakalaban, upang lubos na makilala at mailabas ang bahong itinatago ng mga tatakbo sa eleksiyon 2019.

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top