Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / CHED ‘walang alam’ sa recruitment ng ‘komunista’sa NCR universities
CHED ‘walang alam’ sa recruitment ng ‘komunista’sa NCR universities

CHED ‘walang alam’ sa recruitment ng ‘komunista’sa NCR universities

HINDI papayag ang mga opisyal ng Com­mission on Higher Education (CHED) na magamit sa maling paniniwala at mga ilegal na aktibidad  ang mga estudyante at mga unibersidad sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Cinderella Jaro, OIC executive director ng CHED, na umaaksiyon sila base sa official  communications na kanilang natatanggap, ngunit hanggang ngayon ay wala namang paabiso ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa isyu nang pagre-recruit umano ng mga komunistang grupo sa mga estudyante sa 18 unibersidad sa Metro Manila.

READ MORE:  Customs sa AFP pakitang tao? — Solon
READ MORE:  Undas generally peacefull

Iginiit ni Jaro, igina­galang nila ang kalayaan ng mga estudyante sa impormasyon at kala­yaang makapagtipon-tipon at makapaghayag ng saloobin, basta walang nilalabag na batas.

Sa intelligence report ng AFP, sinasabing nagre-recruit na ang mga ko­munistang grupo sa mga estudyante o sa loob mismo ng mga uniber­sidad.

READ MORE:  PRC director nag-walkout sa oathtaking ng Pharmacists (Dress code hindi sinunod ng mga manunumpa)

Ginagamit umano ng mga komunistang grupo ang mga pagtiti­pon ng mga estudyante para ipapanood sa kanila ang tungkol sa martial law para im­pluwensiyahan ang kanilang pag-iisip para maging masama ang paniniwala nila laban sa  uri ng pamamahala sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved