Monday , April 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Roque bumalik sa Palasyo para magpaalam
Roque bumalik sa Palasyo para magpaalam

Roque bumalik sa Palasyo para magpaalam

HUMARAP sa huling pagkakataon sa Mala­cañang Press Corps si dating Presidential spokes­person Harry Roque kahapon upang pormal na magpaalam sa administrasyong Duterte.

Bukod sa pagpa­pa­salamat, inihayag ni  Roque ang kanyang pagtakbo hindi sa pagka-senador kundi bilang nominee sa Luntiang Pili­pinas environment party-list na kanyang ihahain ngayon sa COMELEC.

Aminado si Roque na masikip ang kanyang tsansa sa Senado lalo’t bukod sa pito ang mga re-electionist, kailangang ikonsidera niya rin ang aspektong pinansiyal.

Pinabulaanan ni Roque ang mga naglu­tangang balitang bini­tiwan siya ng Pangulong Duterte na kanyang nakausap kahapon at maayos aniya ang kani­lang naging paghihiwalay ng Presidente.

Pinasalamatan ni Ro­que ang Pangulo sa alok sa kanyang maging Office of the Press Secretary ngunit sinabi niyang hindi siya ang tamang indibi­duwal na mailagay sa posisyon dahil hindi siya nagmula sa larangan ng pama­mahayag.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top