Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / NBI at BoC-NAIA keep up the good work!
NBI at BoC-NAIA keep up the good work!

NBI at BoC-NAIA keep up the good work!

NAPAKARAMING kaso ngayon ang iniimbestigahan ng NBI sa pangunguna ni Director Atty. Dante Gierran na halos wala nang pahinga sa pagtatrabaho.
Dahil sa nangyayaring mga issue sa ilegal na droga at patayan ay hindi sila tumitigil upang makamit ang tunay na hustisya sa mga biktima at ipakulong kung sino ang mga sangkot dito.
Nag-umpisa na silang magsagawa ng isang parallel investigation sa pagpatay ng limang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kapai, Lanao del Sur,
Sa galing at husay ni Director Atty. Gierran at Deputy Director Eric Distor ay subok na sila sa malalaking kaso.
Malaki ang tiwala ni Pangulong Duterte sa NBI kaya naman lahat ng kaaway ng gobyerno lalo ang mga sindikato ng droga ay may kalalagyan sa NBI at sasampahan ng kaso ng DOJ.
Inatasan na rin ni NBI Director Dante Gierran ang kanyang mga tauhan na magsiyasat sa paghahanap ng katotohanan upang mapatunayan at mabuo ang posibleng mga kaso mula sa intelligence report na nag-uugnay sa mga opisyal ng PNP, PDEA at BOC sa “recycling” ng nasamsam na shabu at sa operasyon ng mga sindikato ng ilegal na droga.
***
Sunod-sunod na naman ang huli ng Customs NAIA sa ipinagbabawal na droga na halos linggo-linggo ay may ipinapakita sa media.
Kaya naman Congratulations sa Customs NAIA team dahil hindi sila nagpapabaya sa kanilang trabaho at mataas pa ang kanilang koleksiyon.
Napakaraming nagsasabi na maganda ang performance ng Customs NAIA sa pangunguna ni District collector Mimel Talusan.
Mahusay ang kanyang motivation sa kanyang mga tao at nagawan nila ng kanta ang kanilang port sa pamamagitan ng hashtag ni Coll. Talusan na “Hit The Target.”
Masisipag sila at magagaling sa BoC-NAIA, kagaya nina Atty. Ruby Alameda, Devine Garrido, Atty. Rupert Bustamante, Atty. Marlon Agaceta, Nora Cawile, Sally Mayorga, Emy Balatbat, Dan Oquias, Arnold Dela Torre, Arnaldo Famor, Ronald Moreno, Perry Tizon, Jennifer Legaria, Raymond Mamao, Luz Ugot, Nelly Ochoa, Danny Del Rosario, Troy Tan at buong CIIS, Maj. Rodrigo Gonzales, buong CAIDTF at ESS-CPD at marami pang iba.
They are working hard for the government!
Sabi nga ni Comm. Sid Lapeña, “Coll. Mimel deserve a promotion.”
Well, deserving siya talaga sa promotion dahil isa siyang low profile at siya ay rose from the ranks.
Napakabait at napakasipag ni Coll. Talusan at isa siyang tunay na serbisyo publiko!
Congrats Customs-NAIA!

READ MORE:  Police report bakit may bayad na P20, Mayor Tony Calixto?
READ MORE:  Isang maikling paglilinaw sa isyu tungkol sa Korea

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved