Wednesday , November 5 2025

Boracay muling binuksan sa turista

MALA-KAPISTAHAN ang pagbubukas ng Boracay sa mga lokal na turista nitong Lunes makaraang isara nang anim buwan upang isa­gawa ang rehabili­tasyon.

Sa “dry run” ng pagbubukas ng isalan, idineklara ni Environment Secretary Roy Cimatu na malinis nang muli ang tubig ng Boracay at ma­aari nang pagpali­guan.

Isinara ang Boracay makaraan tawagin ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te na “cesspool.”

Sinabing batay sa isinagawang pagsusuri sa kalidad ng tubig ng Boracay, lumitaw na 18.1 mpn (most probable number) per 100 ml ng coliform.

Dating umabot sa 1 million mpn per 100 ml ang coliform sa tubig-dagat ng isla.

Nagsagawa ng count­down ang mga turista bago sila pinayagan ma­kalangoy sa dagat.

Bago nito, naglunsad din ng seremonyang “salubungan” sa dalam­pasigan ang mga Bora­cay­non at Aklanon na naging simbolikong pag­sa­lubong nila sa mga turista.

Ayon kay Aklan Go­ver­nor Florencio Miraflo­res, sa 26 Oktubre (Biyer­nes) ang “soft ope­ning” ng isla na maaari na rin magpunta ang mga dayuhang turista.

Habang pinaala­la­hanan ng Department of Tourism ang mga mag­pupunta sa Boracay na tiyakin kasama sa mga accredited hotel ang mga tutuluyang establi­simi­yento.

Sa ngayon, mayroong 68 hotel na pinayagang tumanggap ng reser­vation.

Ang mga magtutu­ngo sa Boracay na walang tiyak na tutu­luyang ac­credited hotel ay maha­harang umano sa airport.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angas Libreng Sakay FEAT

Libreng sakay ng DOTr, MMDA, at Angkas, hanggang 5 Nobyembre

NAGSANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama ang ride-hailing …

QCPD Quezon City

Sekyu todas sa  rider

DEAD ON THE SPOT ang 32-anyos na security guard matapos pagbabarilin ng isang ‘di kilalang …

LTO Ferrari

Driver walang lisensiya
Ferrari walang palaka kinompiska ng LTO

BUNGA nang patuloy na pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa pinaigting na kampanyang laban …

Marilaque SUV INARARO 6 MOTORSIKLO

Sa Marilaque Highway
SUV INARARO 6 MOTORSIKLO 3 SUGATAN

INARARO ng rumaragasang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang call center agent ang …

cyber libel Computer Posas Court

Sa Cavite
4 binatilyo minolestiya; 2 nang-abuso inaresto

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos ang pangmomolestiya sa apat na binatilyo at pagkuha ng video …