Categories: News

Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran?)

Share

Hataw Frontpage Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran)

NAKAAMBA ang palakol ni Pangu­long Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ang nabatid kahapon.

Ayon sa isang source, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Finance Secretary Sonny Domi­nguez at Piñol sa cabinet meeting nitong 8 Oktubre sa Palasyo na humantong sa sigawan.

Sa harap umano ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te at lahat ng miyembro ng gabinete ay ibinisto umano ni Dominguez na may isang grupo na pinaboran si Piñol kaya nagkaroon ng krisis sa bigas sa bansa na naging sanhi ng paglobo ng infla­tion.

Hindi tinukoy ng source kung pinaboran ni Piñol ang mga sinasabing rice smugglers.

Noong umpisa aniya ng komprontasyon ay itinanggi pa muna ni Piñol na kilala niya ang tinukoy na pangkat ni Dominguez ngunit sa tindi ng pag-usisa ng finance chief ay napaamin umano si Piñol na isang buwan ang inihirit ng grupo upang makabawi sa kanilang kapital.

Lalo umanong nang­ga­laiti si Dominguez at ipinamukha umano kay Piñol na anti-people ang pagkiling niya sa mga negosyante at isina­kripisyo ang kapakanan ng publiko.

Sinabi ng source na isang miyembro ng gabi­nete na may bagong posisyon ang ‘nagbaterya’ kay Pangulong Duterte sa kawastohan ng punto ni Dominguez.

Sa nasabing cabinet meeting ay iniutos ng Pangulo ang libera­lisa­s-yon ng rice importation sa bansa upang bumaha ng bigas sa pamilihan at bumaba ang presyo.

Inalisan ng Pangulo ng kapangyarihan ang National Food Authority (NFA) na mag-accredit ng rice importers at mag­determina kung gaano karaming bigas ang pu­wedeng angkatin.

Matatandaan, ibinalik ni Pangulong Duterte sa Department of Agricul­ture ang pangangasiwa sa NFA.

Giit ng source, kung walang naging problema sa bigas ay 5.4% lamang ang inflation rate noong Agosto at hindi 6.4%.

Naging isyu laban kay Pangulong Duterte ang patuloy na paglaki ng inflation.

ni ROSE NOVENARIO

Rose Novenario

Published by
Rose Novenario

Recent Posts

Actor, desmayado sa mga pelikulang nagawa noon

DESMAYADO raw ang isang actor sa tuwing sinasabi sa kanya na ang mga pelikulang nagawa niya noong hindi pa siya… Read More

16 hours ago

Kim, kabado sa unang pagbibida

HINDI inakala nI Kim Molina na darating siya sa puntong mabibigyan ng pagkakataon na magbida sa pelikula. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya… Read More

16 hours ago

32 candidates ng Mister Grand Philippines 2019, palaban

FRESH at guwapo ang 32 candidates ng 2019 Mister Grand International nang humarap sa ilang entertainment press noong September 10 sa Winford… Read More

16 hours ago

Condo ni Ara, nasasalaula

MAY pagkakapareho si Ara Mina at ang dating sexy star na si Katrina Paula: mahilig silang magbigay ng foster homes. Ewan lang namin… Read More

16 hours ago

Festival movies flop, P13-M lamang ang pinakamalaking kinita

AYAN ha, hindi na masasabing maramot ang mga may-ari ng sinehan. Hindi na masasabing ayaw nilang makipagtulungan sa industriya ng… Read More

16 hours ago

Ate Vi, mas inuna ang bayan kaysa showbiz gathering

INISNAB daw ni Congresswoman Vilma Santos, at ng iba pang mga sikat na artista ang isang mahalagang showbiz gathering na magbibigay pa… Read More

16 hours ago