Categories: Showbiz

Rei Tan ng Beautederm, role model ng entrepreneurs ayon kay Tonton

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

NAPAPANOOD ngayon si Tonton Gutierrez sa Kapuso TV series na Ika-5 Utos na tinatampukan din nina Jean Garcia, Valerie Concepcion at Gelli de Belen. Masaya siya sa kanyang bagong serye sa Siyete.

“Maganda ang ratings, maganda ang pagtanggap ng mga tao. We’re all excited about this project dahil napaka­ganda ng istorya. Kung tala­gang matututukan lang from the very beginning, napakaganda ng istorya kasi very consistent.

“Ang role ko rito, rati kaming schoolmates ni Jean, ni Gelli at saka ni Valerie, tapos during college days namin may gusto ako kay Jean, although hindi kami nagkatuluyan, nag­karoon lang kami ng mutual understanding.

“Tapos hindi na ipinakita kung paano… naging asawa ko si Valerie. Ang backstory kasi niya, si Valerie eversince nasa eskuwelahan pa kami noon, lagi siyang may inggit kay Jean dahil si Jean simpleng babae, magan­da, ‘di ba? So nagugustuhan siya ng mga lalaki,” mahabang kuwento ng actor.

Nabanggit din niyang happy siya sa bagong endorsement. “I’m really happy and proud to be a part of the BeauteDerm family. Kasi, naniniwala ako sa produkto, mahirap kasing mag-endorse ng isang bagay na hindi ka naman sigurado, iyong hindi proven. Iyong para bang decei­ving o mapanlinlang, pero iba ang BeauteDerm, e.

“Si Glydel kasi ang unang nag-endorse ng BeauteDerm, kaya binibigyan siya ng mga product. At ginamit ko ‘yung facial wash, and ang laki talaga ng pagbabago.

“Ako naman, hindi ako mahilig magpunta ng derma, hindi malanding tao, kumbaga. Dati kasi naggo-golf ako, I’m prac­tically under the sun while I’m playing. Kaya mayroon akong parang mga blemishes, mga itim na pekas. So nang ginamit ko ang BeauteDerm, twice a day, sa umaga and sa gabi bago matu­log, effective talaga siya. Ang laki ng pagbabago, kaya sabi ko kay Gyldel okay itong product.”

Nabanggit pa ni Tonton na bago niya lang nakilala ang lady boss ng Beuatederm na si Ms. Rei Tan, pero aminado siyang bilib sa masipag na business­woman. Aniya, “I’ve been hearing good things about Rei kay Glydel at totoo naman pala, napakabait. ‘Yung dalawa, ‘yung mag-asawa, si Sam tsaka Rei, they’re very nice, they’re very supportive, ano sila, very hardworking.

“Kumbaga puwede mo silang maging role model sa mga entrepreneurs na gustong mag-business. Sila, sipag at tiyaga ang ginawa nila talaga, kaya ang laki na ng kompanya nila. May 41 branches na agad, e,” nakangiting saad ni Tonton.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Fil-Am Hollywood actor na si Ryan Kolton, susubok sa showbiz sa ‘Pinas
Nonie Nicasio

Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

Relasyon ng sexy star/youtuber sa politiko, ibinida sa Usapang Showbiz ng Win Radio!

NGAYON pa lang ay gumagawa na nang malakas na ingay ang Usapang Showbiz nina Kuya Jay Machete at DJ Lara Morena sa… Read More

11 hours ago

Kara Madrid, gustong pagsabayin ang acting at singing

MULA sa pagiging lead singer ng isang banda, nag-cross over ang newbie na si Kara Madrid sa acting. Nagkaroon ito… Read More

11 hours ago

All Out Sundays, balik na sa Linggo

MAGBABALIK nang sabay sa telebisyon at online via Kapuso’s official social media network ngayong Linggo, July 12, ang musical-comedy variety… Read More

11 hours ago

Kim Idol, naputukan ng ugat sa ulo

NAPUTUKAN ng ugat sa ulo at ngayon ay may life support ang komedyanteng si Kim Idol. Ayon ito sa mga kaibigan… Read More

11 hours ago

Patay na si Ai Ai, fake news

NILINAW ni Ai-Ai delas Alas na fake news ang kumalat na balitang patay na siya sa, “We will miss you miss Ai-Ai. Rest… Read More

11 hours ago

Pokwang, kinompirma na ang pag-alis sa ABS-CBN

MAY mensahe si Pokwang sa kanyang Instagram account para sa mga ilang empleado ng ABS- CBN 2.   Sabi niya, “Para sa mga kaibigan kong camera… Read More

11 hours ago