Wednesday , September 24 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mocha tatakbo para sa anong puwesto?

GALIT na si resigned PCOO assistant secretary Esther Margaux Justiniano Uson, kaya mukhang ‘itinaga niya sa bato’ na tatakbo siya sa halalang gaganapin sa Mayo 2019.

Pero ang tanong, ano kayang posisyon ang target ni Mocha?!

Pirmis na ba siyang Senado ang aambisyonin niya?

Baka matulad lang siya sa sinabi ni ‘Tatay Digong’ kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya makasisilat ng panalo sa Senado?!

Mabibigat ang mga kalaban, hindi kayang tapatan ang pangalan, track record at achievements ng mga matutunog at liyamadong kandidato sa Senado lalo na ‘yung nasa hanay ng kababaihan.

Kung tayo ang tatanungin, isa-suggest natin kay Ms. Mocha na mag-party-list na lang siya.

Diyan mapapatunayan kung ‘yung limang milyong followers niya ay talagang solid sa kanya.

Kailangan lang pag-isipan kung paano maiko-convert sa boto ‘yang limang milyon na ‘yan.

Baka makadalawang seat pa sila kasama ang kanyang julalay na si Drew Olivar.

Ang tanong lang ulit, aabot pa kaya kung magpa-party-list sila?!

Pero sabi nga, nasa determinasyon lang ‘yan.

E alam naman nating lahat na punong-puno ng determinasyon si Mocha at hindi siya umaatras sa ganyang mga laban…

Hige nga… subukan na ‘yan!

CHA-CHA
NG KAMARA
MAIPILIT
KAHIT PILIPIT

IBANG klase rin talaga ang mga mam­bu­butas ‘este  mambabatas sa Kamara.

Talagang maipilit kahit na pilipit ang kanilang bersiyon ng Charter change?!

Anong prinsipyo kaya ang pinagbasehan nila para maisipan na maetsa-puwera ang bise presidente sa rule of succession kung sakaling maindulto ang presidente ng bansa?!

Ang puwede lang daw pumalit sa presidente ay ang senate president…

Hik hik hik…

At ang higit na nakatatawa kung hindi man nakabubuwisit, e ‘yung panukala na magka­roon ng ‘unli-power’ ang mga mambabatas.

Kung dati ay limitado hanggang tatlong termino (halos isang dekada ang full term) ang pagtakbo ng mga mambabatas, ngayon daw ay unlimited na hangga’t gusto umano ng constituents.

Wattafak?!

Moderate your greed naman mga kagulang-gulang ‘este kagalang-galang na kongresista!

Itanong naman ninyo sa mga sarili ninyo kung ano ang nagagawa ninyo para sa sam­bayanan para ambisyonin ninyong ‘i-mighty bond’ ang mga puwet ninyo diyan sa Kamara?!

Gusto n’yo ba talagang i-mighty bond na kayo sa Kamara sa buong buhay ninyo?!

Kayo rin, baka magkatotoo ‘yan. Sabi nga e, “be careful what you wish for!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Ito na sana ang simula

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NASA 30,000 hanggang 50,000 Filipino ang dumagsa sa lansangan, …

Firing Line Robert Roque

Hustisya para sa mga Pinoy, bago pa may lumuha ng dugo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Sa iba’t ibang dako ng Asya, hindi na mapigilan …

Sipat Mat Vicencio

Ongchuan, Daza at ang political dynasty sa Northern Samar (Part 2)

SIPATni Mat Vicencio “THE Philippine Constitution, specifically Article II, Section 26, prohibits political dynasties by …

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …