Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kinita ni Mystica sa FPJAP, ibinuhos lahat sa van
Kinita ni Mystica sa FPJAP, ibinuhos lahat sa van

Kinita ni Mystica sa FPJAP, ibinuhos lahat sa van

NATATAWA na lang kami eh, kasi kamakailan nakikiusap si Mystika kay Coco Martin na kunin din siyang artista sa Ang Probinsyano dahil naghihirap na siya sa buhay. May sinasabi pang nagkasakit ang kanyang anak at hindi man lang niya maipagamot. Nasa Cavite kasi siya at nagtitinda na lang noon ng inihaw na manok.

READ MORE:  Andi was the only girl I loved for four years and still is my greatest love (Sagot ni Jake kay Andi na umano’y niloko niya ito)

Kinuha naman siya ni Coco dahil sa kanyang pakiusap. Aba eh sasandali pa lang eh sinasabi nang bumili siya ng isang van na nagkakahalaga ng P1.2-M. Mukhang ibinuhos niya sa isang van ang lahat ng kinita na niya sa Ang Probinsyano. Eh paano kung mawala na naman siya roon, babalik na naman siya sa pag-iihaw ng manok?

READ MORE:  Paulo, ayaw magpatalo sa pag-ibig
READ MORE:  Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

Minsan iyan ang mali ng isang artista. Hindi araw-araw ay pumapatak ang ulan. Minsan ay talagang wala at ang mga pagkakataong iyon ay kailangan nilang paghandaan talaga.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved