Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Karla, bonggang regalo ang ibinigay sa kapatid na ikinasal
Karla, bonggang regalo ang ibinigay sa kapatid na ikinasal

Karla, bonggang regalo ang ibinigay sa kapatid na ikinasal

NASA Amerika ang kaibigang Queen Mother Karla Estrada. Umalis ang singer-actress, host noong Huwebes para dumalo sa kasal ng kanyang kapatid sa amang si Ian Ford na ikakasal sa isang Pinay.

Bago pa man umalis si Queen ay tinapos niya muna ang ilang commitments dito at siniguro niyang ratsada pa rin siya sa trabaho pagbalik niya. Pero ang kapuri-puri kay Karla ay ang wala siyang pakialam kung magkano ang kanyang gagastusin papuntang Amerika.

READ MORE:  Vice, ginantihan si Arnold (Sa pag-spoof sa interbyu sa isang abogado)
READ MORE:  Aiko, inireklamo ang kinatay na role; Direk Hernandez, pinanindigang si Aiko ang bida

Mahalaga sa kanya ang makapiling din ang kanyang ama at kapatid.

Ayon pa sa aking napag-alaman, walang keber si Queen Mother kung isang napaka-bonggang regalo ang kanyang ibibigay sa ikakasal niyang kapatid. As in bonggang-bongga ito na ayaw naman talagang ipa-banggit ni Queen kung nasa magkano ang halaga.

READ MORE:  Cristy Fermin, pararangalan ng GEMS

Ganyan naman si Karla. Basta para sa pamilya, basta masaya, roon siya! Wala siyang panghihinayangan.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

About Dominic Rea

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top