Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Ex-future’ senators sina Roque at Uson

‘Ex-future’ senators sina Roque at Uson

MATATAGALAN bago makabangon sina outgoing presidential spokesman Harry Roque at dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary Margaux “Mocha” Uson sa magkahalong kahihiyan at kapaitan na sinapit.
Hindi siguro makapaniwala sina Roque at Uson na mismong si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte rin ang babasag sa kanilang “power tripping” na talaga namang sukdulan kaya marapat lang na tuldokan.
Nakatunog marahil si Pres. Digong na imbes seryosohin ang trabaho ay ginagamit lang ni Roque ang kanyang puwesto para sa sariling ambisyon sa pagtakbong senador sa 2019.
Sa kanyang talumpati sa harap ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc., na idinaos sa Malacañang noong nakaraang Huwebes, sabi ng pangulo:
“‘Yan sila si Roque, gusto mag-senador. Sabi ko, ‘Tama ka na…Standby ka, bigyan kita ibang trabaho. Hindi ka manalo diyan.”
May katuwiran naman si Pres. Digong na sabihing malabo ang tsansa ni Roque na manalo, base na rin sa resulta ng Pulse Asia survey ay posible lang siyang lumusot kapag 100 na ang ibobotong senador.
Sa kanyang pagharap sa media ay hindi maitago sa mukha ni Roque ang pinaghalong kapaitan at kahihiyan, halatang iniinda ang pagkontra ni Pres. Digong sa kanyang planong pagtakbo.
Hindi lang mahirap kung ‘di masakit pang tanggapin ang katotohanan na kung mismong ang pangulo na naglagay sa kanya sa puwesto ay walang bilib kay Roque, paano siya mananalo?
Para sa kaalaman ni Roque, kahit sinong pangulo ay mahihirapang ipanalo sa eleksiyon ang isang tulad niyang kandidato na hindi “saleable” o mahirap ilako.
Kumbaga sa produkto, mahirap ibenta si Roque at kahit ipamigay nang libre ay walang kukuha.
Kahit magtitihaya pa si Roque nang naka-bikini sa kalsada ay  malayong manalo siyang senador at gawin pang daily ang kanyang weekly program sa DZMM na blocktime.
Natikman ngayon ni Roque kung anong klaseng stress sa katawan ang puwedeng dumapo sa isang nilalang na ipinapahiya, lalo pa siguro kung minura din siya ng pangulo.
Harinawa, may natutunang leksiyon si Roque na huwag gagawin sa iba ang ayaw niyang mangyari sa kanya at ang anomang bagay na makasasama sa iba ay maaari rin mangyari sa kanya, lalo’t walang permanente sa mundo.
Hanggang ngayon nga ay hindi pa natin lubos-maisip kung paanong napuwesto si Roque sa kasalukuyang administrasyon, gayong bago ang 2016 presidential elections ay nagsabing huwag daw iboboto ang self-confessed murderer?

READ MORE:  Change is coming sa MPDPC
READ MORE:  Fraud auditing ipapatupad ng Malakanyang

‘SINIBAK’ SI MOCHA
TATAKBO RIN DAW
NAGBANTA si Uson na sasampahan ng kaso ang pahayagang the Phil. Daily Inquirer dahil sa inilabas na balitang siya ay hindi kusang nagbitiw kung ‘di sinibak ni Pres. Digong sa puwesto.
“Sumobra na, abusado masyado at arogante. Since she was fired last September, ‘di na siya kinausap ni Presidente. Ganoon naman si Presidente kapag napuno na ‘di na kinakausap ang isang opisyal kasi harmful na siya sa bansa at sa Pangulo,” ayon sa napalathalang ulat sa online ng nasabing pahayagan na tumutukoy kay Uson.
Mga empleyado raw mismo ng PCOO ang humiling sa pagsipa kay Uson, ayon sa ulat.
Pero kung tayo ang tatanungin ay mas gugustohin natin na ituloy ni Uson ang kanilang ilusyon sa pagtakbo sa 2019, tulad rin ni Roque.
Ang ikinakapital ni Uson sa bantang pagtakbo, ang mahigit limang milyong “followers” niya raw sa social media.
Mabuti kung gano’n para malaman naman natin kung paano maiko-convert ni Uson sa aktuwal na boto ang bilang ng sinasabing followers niya sa Facebook pagdating ng eleksiyon.
Ang hindi lang natin tiyak ay kung anong klaseng pagtakbo ang binabalak ni Uson sa panahon ng kampanya — nakadamit ba o nakahubad? (Hehehe!)
Kailan naman balak sibakin si PCOO Sec. Martin Andanar na isa pang pabigat na bagahe sa administrasyon na wala namang ginagawa?

READ MORE:  Makadagdag o makabawas kaya si Korina kay Mar?

KALAMPAG
ni Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved