Monday , November 17 2025

STL sa Cagayan, buhos ang ayuda sa mga biktima ng kalamidad

SIMULA nang paramihin at palawakin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) noong Oktubre 2016 hanggang ngayon, malaki na ang naging ambag ng naturang palaro sa kaban ng bayan upang magamit ng gobyerno para sa mga programang pangkalusugan at serbisyong kawanggawa sa mamamayang Filipino.
Sa ngayon, ang mga Authorized STL Agents (ASA) ay nagsusumikap na rin maibalik sa mamamayan ang biyayang kanilang natatamasa sa pamamagitan ng medical and dental mission, relief operations at pati pamimigay ng mga kagamitan sa mga pampublikong ahensiya at pribadong organisasyon gaya ng ambulansiya at kagamitang-medikal at pati medisina para sa mamamayan. Libre po ang lahat na ibinibigay ng mga ASA sa mamamayan kung saan sila nagpapalaro ng STL.
Isang halimbawa ang patuloy na pag-ayuda ng Charity Games of Chance (CGC) sa mga nasalantang mamamayan sa Cagayan. Ito ay sa gitna ng hindi magandang balita sa nag-isyu ng Notice of Termination ang PCSO laban sa kanila na daraan pa naman sa tamang proseso. Ang terminasyon ay bunsod ng tinatawag na “shortfall” sa ingreso mula sa kita ng STL.
Bagaman ito ang kinakaharap ng CGC, patuloy pa rin ang ginagawang kawanggawa ng korporasyon sa mga nangangailangan nating kababayan sa Cagayan.
Kaya nitong darating na Miyerkoles at Huwebes, maghahatid ang CGC katuwang Anakalusugan ng relief goods sa 4,000 pamilya sa mga bayan ng Lasam, Sta. Teresita at Sta. Ana, ilan lamang na bayan na binayo ng nakaraang bagyong Ompong.
Binalikat ng CGC ang tig-5 kilo ng bigas sa bawat pamilya habang ang Anakalusugan naman ay mga can goods at medisina.
Ang mainam dito ay katuwang ang PCSO-Cagayan Branch Office sa liderato ni Manager Heherson Pambid kasama sina Isabela Branch Manager Yamshita Japinan at Nueva Vizcaya Branch Manager Byron Joseph Bumanglag.
Nakiisa din sa relief mission ang mga ASA gaya ng Mountain View Games of Chance Corp., ng Apayao at Kalinga, Fair Ways Management and Gaming Corp., ng Santiago City, AVM Gaming and Amusement Corp., ng Quirino, KING’S 810 Gaming Corp., ng Nueva Vizcaya, at Sahara Games and Amusement Philippines Corp. ng Isabela.
Muling magkakaisa ang mga nabanggit n organisasyon para sa paghahatid ng relief goods sa mga mamamayan ng Apayao sa pangunguna ng Anakalusugan.
Sa pagkakataong ito, muling umayada ng 1,000 na sako ng bigas ang CGC.
Sa panahon ni retired Philippine Marine general Alexander Balutan, kasalukuyang general manager ng PCSO, iba na ang itinatakbo ng palarong STL sa bansa na dati-rati’y kontrolado ng mga talamak na gambling lord sampu ng mga kasabwat nila sa gobyerno.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Florante Solmerin

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …

Sipat Mat Vicencio

Sen. Bong Go lang ang tinukoy sa ‘insertion’

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. Bong Go lang …

Firing Line Robert Roque

Malabong policy ng MPD vs smokers

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-vape sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …