Categories: Showbiz

Klinton Start, thankful sa pagkakasali sa Bee Happy, Go Lucky

Share

SOBRANG thankful si Klinton Start dahil bahagi siya ng mga kabataang social media personality na tampok sa bagong TV show sa Net25 na Bee Happy, Go Lucky. Ito ay isang variety show na mula sa Social Media Artist and Celebrities (SMAC) Television Production.

Ang Bee Happy, Go Lucky ay nag­simula nang mapa­nood last Sunday evening at bahagi rin ng show sina Kikay Mikay, Rayantha Leigh, Isaiah Tiglao, Ron Mclean, VMiguel Gonzales, JB Paguio, Leslie Angela at Rish Ramos.

Ipinahayag ni Klinton ang na-feel niya nang napasali sa nasabing show.

“Masaya po and thankful kasi isa po ako sa mga nabigyan ng privilege para mai-showcase ‘yung talent at iba ko pa pong abilities sa show na Bee Happy Go Lucky,” esplika niya.

Saad ni Klinton, “Isa po itong exciting na challenge para sa akin lalo na po, this is my first time to work in a show na ipapalabas po sa TV.”

Idinagdag ni Klinton na excited siya sa kanilang TV show. “Yes, excited po ako at lalong excited po ang mga taong sumusuporta sa akin,” naka­ngiting sambit ng binatilyong astig sa dance floor.

Paano ang ginawa niyang preparations para sa kanilang show? Tugon ni Klinton, “Every week po may rehearsal kami at sa rehearsal namin, doon po ako nagpa-practice either dancing, singing, or hosting in pre­paration for the taping ng Bee Happy Go Lucky show po.”

Bukod sa Bee Happy, Go Lucky, napapanood din every Sunday ang dalawa  pang TV show ng SMAC, ito ang The Prodigal Prince (7:00-7:30 pm) na isang fictional teleserye na mala-Koreanovela pero may touch ng pagka-Pinoy at Galing Ng Pinoy (7:30-8:00pm.) na isang reality game show na­man.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Nonie Nicasio

Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

Kasalang Luis at Jessy, naudlot na naman

ANO ba ‘yang wedding plans sana nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, tila hindi na naman matutuloy. May problema raw kasi. Naku ano… Read More

20 hours ago

Azenith Briones, kumikita ang Orchids online business

SA September 30 pa po ang birthday ko pero agad akong magpapasalamat sa mga ayudang dumarating kahit mahirap ang buhay… Read More

20 hours ago

Ivana Alawi, mas malaki ang kita sa pagba-vlog

HINDI apektado sa pagsasara ng ABS-CBN si Ivana Alawi dahil kumikita siya bilang vlogger. Katunayan, nakapagpatayo pa siya ng bahay dahil sa pagba-vlog. Wow!… Read More

20 hours ago

Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim

MADALING natapos ang shooting ng BL series na Ben x Jim ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez . Ani Teejay, “Bale five days kami… Read More

20 hours ago

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado

LABIS-LABIS ang kasiyahan at pasasalamat ng CEO/President ng Beautedem na si Rhea Anicoche-Tan sa panibagong parangal na natanggap, ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko mula sa Gawad… Read More

20 hours ago

Mga pelikulang kalahok sa 4th PPP, posibleng mapanood sa mga sinehan

AMINADO si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Dino na nagtatampo na sa kanya ang asawang si Ice Seguerra pati ang anak niya dahil… Read More

20 hours ago